Sa naging huntahan namin ni Christian Bautista, naibalita niyang this coming December na nakatakda ang kasal nila ni Kat Ramnani.
“Pinaghahandaan na, kailangang doble kayod na tayo,” sey ng singer-actor sa amin kung bakit halos wala na siyang pahinga sa pagtatrabaho.
Dalawang beses daw silang magpapakasal dahil yun ang napagkasunduan nila ng kanyang future wife, pero aniya parehong intimate at very solemn ang kanilang magiging wedding. Hindi pa nila naaayos ang mga detalye pero magiging hands on daw sila pareho sa preparasyon.
q q q
Masaya naman si Mark Bautista para kay Christian Bautista. He simply wished him happiness and a lasting married life.
Mas gumaling pang mag-perform si Mark ngayon at mas lalong naging buo at mataas ang timbre ng kanyang boses.
Masaya rin siya sa naging reception ng teachers and residents of Agusan del Norte na kinausap pa niya in Visayan dialect dahil aniya halos magkalapit lang ang Agusan sa kanyang mother land na Cagayan de Oro.
Ibinalita rin ni Mark na doble ang excitement niya sa nalalapit na guesting niya sa anniversary concert ni Sarah Geronimo.
“Would you believe na kinakabahan ako dahil ngayon lang uli kami magsasama sa isang show? Sarah will always be part of my showbiz career. Talagang special friends kami,” hirit pa ni Mark.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.