Kat Alano umalma sa pamba-bash na natatanggap: Akala n'yo madali ito? | Bandera

Kat Alano umalma sa pamba-bash na natatanggap: Akala n’yo madali ito?

Therese Arceo - September 22, 2022 - 01:24 PM

Kat Alano umalma sa pamba-bash na natatanggap: Akala n'yo madali ito?
INULAN ng pambabatikos ang TV host-VJ at dating aktres na si Kat Alano nang magpahayag siya ng saloobin ukol sa pagkakaroon ng hustisya matapos ang nangyaring panghahalay sa kanya 17 years ago.

Umugong muli ang kanyang pangalan matapos ang kanyang cryptic post noong Setyembre 19, Lunes, kung saan nagpapasalamat siya sa Diyos matapos dingin nito ang kanyang matagal nang panalangin.

“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years,” saad ni Kat sa kanyang tweet.

Kapansin-pansin naman na kasabay ng kanyang tweet ay ang paglabas ng arrest warrant laban sa “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro para sa acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Bagamat walang binanggit na pangalan ang dating VJ kung sino ang tinutukoy sa kanyang tweet ay marami ang nagsasabing si Vhong ito dahil sa kanyang ni-retweet na may hashtag na “#RhymesWithWrong”.

Nitong Miyerkules, September 21 nag-tweet si Kat Alano patungkol naman sa mga natatanggap niyang negatibong komento buhat nang muli siyang magsalita sa nangyaring panggagahasa sa kanya 17 years ago.

“Wow, some of these people bashing me… Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami,” panimula ng dating VJ.

Sa kabila nito ay nagpasalamat naman si Kat sa mga sumusuporta sa kanya.

“But big thanks to those supporting and explaining rape culture to those who are still unaware.

I see you, I know some of you are victims too. Thank you,” sey ni Kat.

Ngunit mukhang mas lalong dumadami ang natatanggap niyang masasakit na salita mula sa madlang pipol kaya naman napa-tweet ulit ngayong araw ang TV host-VJ para ilabas ang kanyang saloobin.

“Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera,” sey ni Kat.

Pagpapatuloy niya, “8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko. Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya? Sa tingin niyo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali niyo!”

Marami kasi ang nagsasabi na “paawa epek” lang at “pa-victim” lamang si Kat at nakikisakay sa isyu para maging maingay ang kanyang pangalan.

May nagsabi pa na dapat raw ay ipina-salvage na lamang siya at marapat lang daw na pasalamatan niya ang umabuso sa kanya dahil binuhay pa siya nito at sinabi ring dapat mag-move on na lamang.

Ang ikinalulungkot pa niya ay mula pa sa kapwa kababaihan ang mga negatibong komento na natatanggap niya.

“And ang nakakalungkot pa, BABAE pa talaga ang lumalaban para sa kanya. Hindi niyo naiisip ang mga kapwa niyong babae?” pagbabahagi ni Kat.

Aniya, wala siyang team at hindi siya parte ng isang media company at tanging katotohanan lang ang meron siya.

“Akala niyo madali to? Wala akong media company. Wala akong team. Wala akong bayad. Truth lang ang meron ako. Alam ko galit kayo, pero magisip din kayo,” giit pa ni Kat.

Sa kabila naman ng mga panghahamak sa kanya ng iba ay marami pa rin ang naniniwala sa TV host-VJ.

“Just go on. Madami mang galit, mas madaming naniniwala sa’yo,” tweet ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “sad to [say] filo (Filipinos) have backward mentality. they wont believe shits, unless it happens to them. Stay strong Ms. Kat! you’ll get the justice you are fighting for and hopefully, you get peace for what you’ve been through. have a nice day ahead. dont mind the haters.”

“I believe you, Kat. I am sorry THAT happened, and I am sorry you’re going through this all over again. I know words aren’t enough, and I really wish I could do more. I wish you all the strength and peace. Stay strong,” sey pa ng isang netizen.

Related Chika:
VJ-TV host Kat Alano nakamit na ang hustisya matapos gahasain ng kilalang celebrity 17 years ago

Model-businessman pinatunayan ang pagmamahal kay Chad Kinis; malilisyosong bashers hinamon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abogado ni Vhong Navarro may pasabog na anggulo sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo

NBI inilabas ang mugshots ni Vhong Navarro matapos ang boluntaryong pagsuko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending