VJ-TV host Kat Alano nakamit na ang hustisya matapos gahasain ng kilalang celebrity 17 years ago Bandera

VJ-TV host Kat Alano nakamit na ang hustisya matapos gahasain ng kilalang celebrity 17 years ago

Ervin Santiago |September 20,2022
share this

VJ-TV host Kat Alano nakamit na ang hustisya matapos gahasain ng kilalang celebrity 17 years ago

Ervin Santiago - September 20, 2022 - 11:11 AM

Kat Alano

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga “Marites” ang cryptic post ng TV host-VJ at dating aktres na si Kat Alano tungkol sa panggagahasa sa kanya ng isang male celebrity.

Ibinalita kasi ni Kat na nakamit na raw niya ang hustisya matapos siyang ma-rape, 17 taon na ngayon ang nakararaan.

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ni Kat kahapon, September 19, ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil finally nga ay dininig na ang matagal na niyang panalangin.

“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years,” ang simulang tweet ng TV host.

Sa isa pa niyang post, inulit ni Kat ang kanyang pasasalamat, “After 17 years…Finally a glimpse of justice.


“People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim?

“Think about what you did to her if that was the truth,” sabi pa niya.

Kapansin-pansin na ang pagsasalita ng dating VJ ay sabay na sabay sa paglabas ng warrant of arrest laban kay Vhong Navarro para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.

Wala mang nabanggit si Kat kung sino ang pinatutungkulan niya sa kanyang Twitter post, ang hula ng halos lahat ng netizens ay para ito kay Vhong dahil sa hashtag na “rhymeswithwrong.”

Sa comments section ng tweet ni Kat nag-iwan ng mensahe ang kaibigan niyang aktres na si Alessandra de Rossi gamit ang isang Bible verse.

“‘Exodus 14:13-14…The LORD will fight for you, and you have only to be silent.’ I love you,” pahayag ni Alessandra.

Kahapon, sumuko nga si Vhong sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para magpiyansa sa kasong acts of lasciviousness.

Bukod dito, naglabas din ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 ng warrant of arrest laban kay Vhong “with no bail recommended” para naman sa isa pang rape case na isinampa ni Deniece.

Vice Ganda binanatan ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon: Utang na loob, bigyan n’yo kami ng hustisya

Model-businessman pinatunayan ang pagmamahal kay Chad Kinis; malilisyosong bashers hinamon

Aljur Abrenica inatake ng ‘golden bashers’ matapos mag-post ng cryptic message kasabay ng birthday ni AJ Raval

Kabayan Noli ‘pinatay’ sa socmed, Kat de Castro umalma: My Dad’s absolutely fine, we just had dinner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending