Sharon magpapalamig sa Korea kasama ang pamilya

By Jun Nardo April 18,2019
share this

Sharon magpapalamig sa Korea kasama ang pamilya

By Jun Nardo April 18,2019
share this

NILAYASAN ni Sharon Cuneta ang init sa bansa kaya naman lumipad siya papuntang South Korea kasama ang pamilya – Sen. Kiko, Frankie, Miel at Miguel.

Eh kahit masarap ang Korean food, behave naman si Shawie na walang rice kapag kumakain. After all, halos back to sexy figure na siya ngayon.

Documented sa Instagram ng Megastar ang kulitan nilang pamilya sa SK pati na ang biglaang videoke session ng dalawang anak na babae.

Sa isang post, naging instant “boarder” si Miguel dahil sa halip na kumuha ng extra bed na tulugan, nagtiis siyang humiga sa isang couch sa room nina Shawie at Sen. Kiko, huh!

Pagbalik sa bansa ni Shawie, haharapin naman niya ang promotions ng Reality Entertainment movie niyang “Kuwaresma” bago simulan ang Viva movie.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending