Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: An innocent man is free!
LABIS ang kasiyahang nadarama ng aktres na si Nadia Montenegro sa pansamantalang pagkakalaya ng kanyang kaibigang si Ricardo Cepeda.
Sa kanyang latest Instagram post ay ibinandera ng aktres ang video na puro larawan ng aktor na ang ilan ay kuha sa loob ng kulungan hanggang sa mga larawan matapos itong makalabas.
“RELEASE FORM SIGNED!” FINALLY! An innocent man is FREE!! Praise you Lord!” saad ni Nadia.
Pagpapatuloy niya, “My Brother, Ric for almost 1 year you patiently fought your battles in court and endured jail time hundreds of miles away from Home.”
Baka Bet Mo: Nadia Montenegro ikinumpara ang mga artista noon at ngayon: Kasi now… dami naki-create na mga monsters, spoiled brats
View this post on Instagram
Hinangaan rin ni Nadia ang matatag na pagkapit ni Ricardo sa Diyos habang hinaharap ang mabigat na pagsubok.
“One by one you faced them knowing you did nothing wrong. PRAISE YOU LORD FOR YOUR FAITHFULNESS! Ric you have always been a kind, decent, respectful and respected human being.
“This was just a phase you had to go through that only our faith will allow us to surpass and understand. And you did!!! We all know you are INNOCENT! And PROVEN!!!” sabi pa ni Nadia.
Hindi na nga ito makapag-antay sa pagbabalik ni Ricardo na tinawag niyang “brother”.
“Can’t wait for your homecoming, Ric!! This is a celebration of your life! A new chapter ahead! WE LOVE YOU RIC! You are FREE!! To God be all the glory,” pasasalamat ni Nadia.
Base naman sa mga social media update ng asawa nitong si Marina Benipayo ay balik na sa kanilang tahanan ang aktor. May video pa nga ang dalawa na angsasayaw sa saliw ng kantang “Don’t Be Cruel” ni Elvis Presley.
Matatandaang noong Octobr 2023 nang arestuhin ng mga pulisya si Ricardo habang siya ay nasa Caloocan City dahil sa kasong syndicated estafa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.