Nadia Montenegro ikinumpara ang mga artista noon at ngayon: Kasi now… dami naki-create na mga monsters, spoiled brats
HINDI maiwasang maikumpara ng aktres na si Nadia Montenegro ang mga artista noong panahon niya sa mga artista sa henerasyon ngayon.
Sa kanyang panayam sa anak na si Ynna Asistio na mapapanood sa YouTube channel ng huli, napag-usapan nila ng anak mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay.
Ayon kay Nadia, kunpara noong panahon nila, mas magaan ang buhay ng mga artistang sumisikat ngayon.
Matatandaang noong 1980s nang nakilala siya ng publiko at naging Regal baby.
Ngunit pag-amin ni Nadia, hindi niya pinlano na maging artista.
“At the age of 7, I started doing TV commercials. I had 17 TV commercials before ako nakita nina Mother Lily [Monteverde].
“I was going to school in Colegio de San Agustin with Gretchen, Marjorie… but at that time, Regal was looking for a group for Regal babies 2,” lahad ni Nadia.
Doon nga ay napili sila ni Gretchen bilang maging parte ng Regal babies 2. Sabay silang nag-audition at maswerteng napili.
Baka Bet Mo: Nadia inisa-isa ang pinagdaanan sa buhay: 14 surgeries, 7 births via caesarian, 2 lipo, 2 car accidents
Naikuwento rin niya na noong nagsisimula siya sa showbiz ay grabe ang kanyang mga pinagdaanan dahil hindi siya fully knowledgeable sa kanyang pinasok na mundo at ang alam niya ay nag-e-enjoy lang siya.
“Eleven [years old] lang ako noon tapos pinapipirma ka ng kontrata. I think the first contract that we signed, kami ni Gretchen, was 2-3 years, that was 10 movies per year pero nung time na ‘yun parang P20,000 lang per movie. Ang laking pera na nu’n before,” saad ni Nadia.
Pagpapatuloy niya, “Ang raise namin noon, P10,000 lang hanggang sa talagang pumutok ‘yung 14 going steady, parang sabik ‘yung tao noong ’80s na may mga bagong young generations hanggang nagtuloy-tuloy,” kwento ni Nadia.
Chika pa niya, maswerte nga raw ang mga artistang sumikat ngayon kesa noong panahon nila dahil mas maayos na ang kalagayan ng mga artista ngayon.
“Like what I say to every actor that I meet, especially sa young generation ngayon, napaka-blessed ninyo, napaka-blessed nilang lahat.
“Ngayon may aircon tayo na tent, mayroong mga ganitong silya na uso na. Noong araw, sa likod, kanya kanya kayong space ng latagan ng folding bed,” sey ni Nadia.
Aniya, noong panahon nila ay wala pang sosyal na folding bed.
Kuwento pa ni Nadia, walang social media noong araw at mano-mano rin ang pagbibigay schedule sa mga artista dahil walang cellphone at mahirap maligaw papuntang location.
“Even our workshop was not a joke. Kasi nung araw, kailangan marunong kang kumanta, sumayaw, mag-host, umarte, maglakad, humarap sa tao. Hindi tulad ngayon.
“The ‘80s, ‘70s, ‘60s stars deserve much more respect in this industry than we’re getting now,” giit ni Nadia.
Ngayon raw kasi ay maraming mga baguhang artista na agad lumalaki ang ulo dahil sa natatamong kasikatan.
“Kasi now, alam mo, dami naki-create na mga monsters, spoiled brats. Maraming spoiled brats na artista na akala mo… Hija, hijo, chill ka lang. Hindi yan ang [tuktok]. Dinadaan ka lang diyan. Find your real destiny,” sabi ni Nadia.
Para sa kanya, isang malaking bagay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali, pagbibigay respeto at pakikisama sa mga kasama sa trabaho para magtagal sa industriya.
Related Chika:
Nanay ni Nadia ninakawan sa loob ng shopping store; nalimas ang pera sa 2 ATM card sa loob lang ng 3 minuto
Nadia Montenegro: Hindi pala ako malakas, hindi pala ako magaling…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.