Nanay ni Nadia ninakawan sa loob ng shopping store; nalimas ang pera sa 2 ATM card sa loob lang ng 3 minuto
Nadia Montenegro
IYAK nang iyak ang nanay ng aktres na si Nadia Montenegro matapos manakawan sa loob mismo ng isang membership shopping store sa Novaliches kahapon, March 2.
Nilimas daw ng pitong suspek ang pera sa dalawang ATM cards ng kanyang ina sa loob lamang ng tatlong minuto.
Nag-Facebook Live si Nadia para ipaalam at bigyan ng warning ang publiko hinggil sa nakawang nangyari sa nasabing shopping store na posibleng nambibiktima ng mga senior citizen.
“Hi, guys. I don’t hardly do this. But this is very scary, and this is not acceptable. This is very unacceptable,” simulang pahayag ng aktres na awang-awa sa sinapit ng ina.
Pagpapatuloy niya, “I just got a call an hour ago from my sister that they’re here in to go shopping. But unfortunately, my mom’s wallet was stolen by a group of seven people inside (the store).
“We’re here in Novaliches. My mother is here crying because in three minutes, as soon as she found out her wallet is missing, they reported it to the people here in membership store,” pahayag pa ni Nadia.
Na-shock daw siya nang malamang na-withdraw agad ng mga suspek ang nasa dalawang ATM cards ng kanyang nanay — nakakuha ng $1,700 dollars ang mga magnanakaw sa dollar bank account nito at P50,000 naman sa isa pa niyang account.
“And in three minutes, nakalabas po yung pitong taong nagnakaw ng wallet niya. When we called the bank, we called up BDO, we called up the Bank of America, nalimas po lahat ng pera ng nanay ko.
“And it happened inside, a membership club, where I’m waiting now for the police to do an investigation,” pahayag pa ni Nadia.
Aniya pa, “I cannot get the CCTV of that seven people. They cannot give me the membership cards of that seven people that entered the store and stole my mom’s wallet. Nothing.”
“My mom is crying her eyes out. She lost 1,700 dollars in one account, she lost 50,000 in her BDO, she lost another in all her credit cards that were stolen here inside. So, I’m waiting for the police. I will do kung anong legal na dapat gawin.
“Because at this very moment, that seven people that stole my mom’s wallet is still out there celebrating after stealing a P130,000 plus from her,” sey pa ni Nadia.
Samantala, makalipas ang halos dalawang oras, nagbigay agad ng update ang aktres. Sa kanyang Instagram post, makikita ang kanyang video habang nasa loob ng police station.
Sabi ni Nadia, nakuha na ng otoridad ang CCTV footage kung saan nakita nila kung paano pinalibutan ng pitong suspek ang kanyang nanay para makuha ang wallet nito.
“We have identified the seven people. We have identified the plate numbers, we have identified the faces of the seven people
View this post on Instagram
“We have identified two of the seven men. May pictures sila dito, mug shots. This is a big syndicate. Maraming nagtatanong sa akin how they were able to withdraw all of my mom’s account in less than five minutes.
“When you watch the CCTV, you will see how fast they work. Habang nandu’n pa sila nakakumpol sa nanay ko at nakuha yung wallet, nakalabas na yung dalawang lalake at naka-withdraw na sa mall dito sa tabi ng membership shopping store. So, it’s a big modus,” ang paniniwala ni Nadia.
Dagdag pang pahayag ni Nadia, “God protect us. I’m after these people. I’m not after the money. I don’t want the money back. My mom’s safe. I’m after our safety.”
Nabanggit din ni Nadia na ipo-post nila ang CCTV footage sa social media, “Kinukuha lang namin mga shot ng mga faces, kasi ang lalakas po ng mga loob ng mga magnanakaw.
“Wala pa silang mask. Iba suot nila papasok, iba suot nila palabas. Amazing po, at nanggigigil ako kasi nanay ko yung nasa gitna ng pitong tao.
“Pero she’s safe. I will make sure na sana sa tulong ng pulis natin, at sa tulong ng Panginoon, mahuli ang masasamang tao na ito. And that we can all be safe with our families,” sabi pa ng galit na galit na celebrity mom.
Sa huli, nagbigay pa ng mensahe si Nadia sa mga magnanakaw, “Tama na po. Magtrabaho po kayo. Lahat tayo may pinagdadaanan. Huwag naman natin nakawan ang senior citizen walang kalaban-laban.”
https://bandera.inquirer.net/288415/nadia-montenegro-hindi-pala-ako-malakas-hindi-pala-ako-magaling
https://bandera.inquirer.net/285721/mag-inang-nadia-at-ynna-tinamaan-din-ng-covid-19-hindi-basta-nagpatalo-sa-killer-virus
https://bandera.inquirer.net/284417/laman-ng-wallet-ni-cassy-ibinuking-ni-carmina-laging-gulu-gulo-super-dami-ng-coins
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.