Snooky Serna maligayang-maligaya sa piling ng dyowang politiko

Snooky Serna maligayang-maligaya sa piling ng dyowang politiko

Reggee Bonoan - August 22, 2024 - 10:02 AM

Snooky Serna maligayang-maliagay sa piling ng dyowang politiko

Snooky Serna at Ramon Villarama

SA part 4 ng interview kay Snooky Serna ni Morly Alinio sa YouTube channel nitong “Ito ang Tondo” napag-usapan ang kanyang lovelife.

Inamin ng aktres at vlogger na may mga naging boyfriend siya matapos mahiwalay nang matagal sa ex-husband na si Ricardo Cepeda pero hindi rin nagtatagal dahil hindi sila tugma sa ugali.

Pero ngayon ay may nagpapasaya na sa kanyang buhay.

Baka Bet Mo: Snooky Serna muntik nang layasan ang showbiz dahil sa bashers: Hindi ako palaban lalo na noon

“I am being taking cared of, I am loved for who I am, not because he wants me to become, malaking bagay ‘yun pag accepted ka for who you are,” kuwento ni Kooky.


Ang maganda pa ay mahal na mahal ng taong nagpapasaya sa kanya ang dalawa niyang anak, mahal ang pamilya niya at higit sa lahat ay matalino raw.

Ang tinutukoy ni Snooky ay ang negosyante at politiko na si Ginoong Ramon Villarama.

“Maraming hindi nakakaalam na 39 years na kaming magkakilala ni Mon bago naging kami, he’s always been there as my friend.

“And one day, one sweet day na hindi naman namin pinilit, hindi namin ito expected, nag-gravitate na lang kami towards each other, actually kasalanan ito ng anak niyang si JC.

Baka Bet Mo: Gabby espesyal kay Snooky, na-hurt nang manligaw sa ibang babae

“Si JC kasi ginawan niya ng Facebook si daddy niya tapos lahat ng nakita niyang pangalan sa black book ng dad niya ay pinrend-request niya,” tsika ni Snooky.

“So, naisip ko nag-friend request parang he gave me the chance to be closer to him na nu’ng time na yun ay hiwalay na ako (sa dating boyfriend) then nag-dinner kami and thankfully magte-10 years na kami,” balik-alaala ng aktres.


Sobrang natutuwa si Kooky dahil gusto rin siya ng mga anak ni Ginoong Ramon.

Sabi raw ng mga anak niya, “’We know mommy that you know what you’re doing it’s your life, we respect your decision, you know what’s right with tito Mon, we can see that he takes care of you, loves you’, so hindi sila tatanggi.”

Nabanggit pa ng aktres na sa edad nila ngayon ay more on companionship na ang hanap niya at friendship na kahit sabihin pa ng iba na bola lang pero iyon daw ang totoo, ‘yung may nakakausap siya lagi.

Sa tanong ni Morly kung saan ide-date ng aktres si Mon, “Unang-una yayayain ko siya sa church, tapos dinner or watch movie first then dinner sa favorite hotel ko, old school ako, eh.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay kuntento na raw halos si Snooky sa buhay niya at wala na siyang mahihiling pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending