Snooky sa breakup nila ni Ricardo: Yung puso ko binibiyak, durog!

Snooky sa breakup nila ni Ricardo: Yung puso ko parang binibiyak, durog!

Reggee Bonoan - August 20, 2024 - 10:52 AM

Snooky sa breakup nila ni Ricardo: Yung puso ko parang binibiyak, durog!

Snooky Serna at Ricardo Cepeda

“AKO ang may kasalanan kaya kami nagkahiwalay ni Ricardo (Cepeda), it was my pride that got in the way of our marriage,” ang diretsong sabi ni Snooky Serna.

Sa panayam kay Snooky ni Morly Alino sa vlog nitong “Ito ang Tondo” na napapanood sa YouTube, maraming rebelasyon ang beteranang aktres.

Matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Richard at Snooky pero hindi alam ng lahat na ang aktres ang may kasalanan.

Baka Bet Mo: Gardo Versoza nagpakita ng suporta kay Ricardo Cepeda: Nung time na nasa bingit ako ng kamatayan, nandyan siya

Sabi ni Snooky, “Kung hindi ako nagkaroon ng pride at pagdududa it was so uncalled for it’s just because I was just being possessive, jealous and proud.”

Sobrang selosa raw ni Snooky sa panahong mag-asawa pa sila ni Ricardo “Sa lahat naman ng relasyon lalo’t pareho pa kaming artista meron at meron na…ayoko namang maging kiss and tell na kapag ang karelasyon mo ay artista maiintriga at maiintriga kayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


“So, ‘yung sa amin ni Richard o ni Ricardo Cepeda hindi naman kami naging immune sa mga taong gustong sirain ang aming pagsasama at pag hiwalay na kayo ay pagbabalikin naman.

“Isa sa mga downside ng showbiz (yan), di ba, ang mga artista napaglalaruan?  (Tulad) o, sige pag-awayin natin ang mag-asawang ito kapag nag-away na at naghiwalay tuksuhin natin para magkabalikan, dito pumapasok na it can be a cruel industry.

“So, ayun nagpadala ako sa ganu’n naapektuhan ako sa ganu’n naging mababaw ako,” kuwento ni Kooky.

Tanong ni Morly, “Maraming sumbong ang dumating sa ‘yo?”

“Na hindi naman totoo! Because na-prove ko rin na hindi naman totoo.  Unfortunately na-prove ko nu’ng nagpa-annul na ako, I asked for the annulment, I file for the annulment,” pag-amin ng aktres.

Baka Bet Mo: Ricardo Cepeda sa pagkakulong dahil sa estafa: I was shocked! Hindi ko alam na may mga warrant ako!’

May pagsisisi ba sa parte ni Snooky? “Ayoko namang sabihin na ako’y sumo-showbiz, pero nagsisisi ako.”

Tinanong pa ni Morly, “Kinausap mo si Ricardo at humingi ka ba ng sorry?”

Bago sinagot ng aktes ay nagpahid muna siya ng luha, “Naiiyak ako. Ha-hahaha! Of course nanghingi ako ng sorry nu’ng talagang annulled na at nakita ko na ‘yung papel nag-sorry ako sa kanya.

“Wala the harm has been done nasira na ang pamilya. That I was so proud and foolish at that time na kinasangkapan ng kalaban natin and we acknowledge that there is the enemy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Snooky Serna (@snookyserna4466)


“Ang laban naman sa mundong ito is not only of flesh and blood but also principalities, eh, you know nabulungan ako ng kalaban na ‘hiwalayan mo na ‘yang asawa mo, kaya mo namang buhayin ‘yung mga anak mo, may pera ka naman, sikat ka naman.’

“I’m sorry I’m just being very honest po, manghihinayang ka talaga kapag dumating ka na sa punto na nagkahiwalay ang pamilya at nagkawatak-watak kayo at sa huli talaga ang pagsisisi, talagang nagsisisi ako sa pamilyang binuo ng Diyos,” aniya pa.

Ano ang naging reaksyon ni Richard nang humingi siya ng sorry? “Si Richard kasi is so forgiving, eh. He forgave me and we became ng close friends but he is civil and up to this moment very civil pa rin si Ricardo sa akin.”

At tungkol sa mga anak nila ay hindi raw nagtanong ni minsan sina Sachi at Sam dahil bago pa nangyari ang annulment ay nagpaliwanag na si Kooky na maghihiwalay na sila ng papa nila.

Inamin din ng ex-wife ni Richardo na kapag kailangan nilang dumalo sa mga school activities ng mga anak ay nagpapakitang okay lang siya.

“I was putting a brave front na kunwari unaffected ako pinanindigan ko ‘yung kalokohan ko, ‘yung desisyon but deep inside ‘yung puso ko parang binibiyak, pinipiga at durog na durog talaga dahil sa pagsisisi na pinakawalan ko ‘tong taong ‘to na matino, mabuting tao, disente, he comes from a good family, he’s everything that a woman would wish for masipag magtrabaho, disenteng tao, may takot sa Diyos.

“Ang irony pa ng anito Tito Morly we belong pa to (same) religious community at that time. Going back to pagsisisi talaga dahil doon ay napunta ako sa face of rebelling not to God, not to my parents, not to anyone else, nagself-destruct ako for a while,” pagtatapat pa ng aktres na content creator na rin ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahaba pa ang panayam ni Snooky at abangan ang part 2.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending