Gardo Versoza nagpakita ng suporta kay Ricardo Cepeda: Nung time na nasa bingit ako ng kamatayan, nandyan siya | Bandera

Gardo Versoza nagpakita ng suporta kay Ricardo Cepeda: Nung time na nasa bingit ako ng kamatayan, nandyan siya

Therese Arceo |October 11,2023
facebook
share this

Gardo Versoza nagpakita ng suporta kay Ricardo Cepeda: Nung time na nasa bingit ako ng kamatayan, nandyan siya

Therese Arceo - October 11, 2023 - 06:57 PM

Gardo Versoza nagpakita ng suporta kay Ricardo Cepeda: Nung time na nasa bingit ako ng kamatayan, nandyan siya

LUBOS ang pagbibigay suporta ng aktor na si Gardo Versoza sa kanyang kaibigang si Ricardo Cepeda.

Matatandaang kamakailan nang arestuhin ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) si Ricardo dahil sa kasong syndicated estafa.

Binasag na nga rin ng partner nitong si Marina Benipayo ang kanyang katahimikan upang ipagtanggol ang aktor dahil diumano’y nadamay lang ito sa kaso.

Isa nga si Gardo sa mga nagkomento sa naturang TikTok video ni Marina.

Ikinuwento nito kung gaano kabuting tao si Ricardo, maging si Marina.

Baka Bet Mo: Gardo Verzosa sa retiradong pulis na nanakot sa siklista: ‘Wag mong kasahan ng baril, di mo yan dapat binabandera at pinagyayabang’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“napakabait na tao ni richard kayong dalawa mag partners sobrang totoong tao kayo ,, both of you are always in my prayers,” saad ni Gardo.

Dagdag pa nito, “nung na atake ako nag offer ng help si ricardo ,,, tagal kaming di nagkakausap pero nung time na nasa bingit ako ng kamatayan , andyan sya.”

Bukod pa rito, nag-post rin sa kanyang Instagram si Gardo upang batiin si Ricardo na nagdiriwang ng kaarawan ngayong araw.

“A blessed birthday to you my dear cupcake RICARDO CEPEDA ,, di ko alam ang punot dulo ng kwento ,, pero kapit lang. Kasama kayo ni @marina_benipayo palagi sa mga dasal ko.

“Napakabuti mong tao kaya di ko maubos maisip na may nangyaring ganito ,, naway mapanagot ang tunay na may sala at mapangalanan ng mabigyang linaw ang mga kaganapan ,, kapit lang bro di tayo pababayaan ng Diyos,” pagbati ni Gardo.

Marami naman sa mga netizens ang bumati rin sa kasalukuyang nakakulong na aktor.

“Happy birthday sir ricardo laban lang sir lalabas din ang totoo,” komento ng isang netizen sa post ni Gardo.

Comment naman ng isa, “Napaka mabait na tao si Richard. Truth will prevail.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa kustodiya ng pulisya si Ricardo.

Related Chika:
Gardo Versoza na-discharge na sa ospital, dumiretso ng simbahan para magdasal

Gardo Versoza sumalang na sa ikalawang angioplasty: Lord kayo na po ang bahala…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending