Gardo Versoza sumalang na sa ikalawang angioplasty

Gardo Versoza sumalang na sa ikalawang angioplasty: Lord kayo na po ang bahala…

Pauline del Rosario - June 09, 2023 - 09:37 AM

Gardo Versoza sumalang na sa ikalawang angioplasty: Lord kayo na po ang bahala…

PHOTO: Instagram/@gardo_versoza

SUMAILALIM na sa ikalawang “angioplasty” procedure ang veteran actor na si Gardo Versoza.

Sa pamamagitan ng Instagram ay ibinandera ng aktor ang isang litrato na siya ay nasa isang hospital room at mukhang handang-handa na para sa kanyang operasyon.

Ang maiksing caption pa niya, “LORD kayo na po ang bahala [folded hands emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gardo Versoza (@gardo_versoza)

Para sa mga hindi pa aware, ang angioplasty ay isang medical procedure kung saan tinatanggal nito ang mga baradong ugat sa puso upang muling mapanatili ang maayos na blood flow sa katawan.

Baka Bet Mo: Gardo Versoza nagbebenta ng gym equipment pangtustos sa pangalawang angioplasty

Kung maaalala noong Marso lamang ay napabalitang naospital si Gardo matapos siyang atakihin sa puso.

Ang dahilan niyan ay ang labis na page-exercise.

Agad na sumailalim ang aktor sa angioplasty procedure at naging matagumpay ito kaya naman na-discharge na rin siya sa ospital noong Abril.

Gayunpaman, pinayuhan siya ng doktor na kailangan ulit sumailalim sa isa pang angioplasty dahil dalawang ugat ang nakitang barado.

Nauna nang ipinaliwanag ng kanyang misis na si Ivy Vicencio na kailangang ihiwalay ang operasyon nito dahil nakakaranas ng heart attack ang kanyang mister.

“Hindi naisabay nung una dahil may heart attack na nangyayari,” saad niya.

Nitong Hunyo lamang ay emosyonal na sinabi ni Gardo sa King of Talk na si Boy Abunda na akala niya’y mawawala na siya sa mundo matapos makaranas ng atake sa puso.

Sey pa ng batikang aktor, wala siyang kamalay-malay na may sakit siya sa puso dahil super active naman ang kanyang lifestyle.

Bukod dito, binabantayan din niya ang mga kinakain araw-araw.

Gayunpaman, inamin niya na hindi siya regular na nagpupunta sa ospital o health clinic para magpa-check up.

“Feeling ko parang in a way baka rin ginamit akong instrumento ng Panginoon na kumbaga mai-share sa iba na ‘wag n’yong balewalain kasi hindi biro ‘yun,” pahayag pa ni Gardo.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia Wurtzbach napa-throwback sa ‘babawi tayo’ tweet, kinikilig pa rin sa suporta ng fans

Gardo Versoza nakaramdam ng lungkot nang maisip na ‘maiiwan’ ang mag-iina niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending