Gardo Versoza nagbebenta ng gym equipment pangtustos sa pangalawang angioplasty | Bandera

Gardo Versoza nagbebenta ng gym equipment pangtustos sa pangalawang angioplasty

Therese Arceo |April 28,2023
facebook
share this

Gardo Versoza nagbebenta ng gym equipment pangtustos sa pangalawang angioplasty

Therese Arceo - April 28, 2023 - 08:19 AM

Gardo Versoza nagbebenta ng gym equipment pangtustos sa pangalawang angioplasty

KASALUKUYANG lumilikom ng pondo ang aktor na si Gardo Versoza para sa kanyang ikalawang angioplasty.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang isang video kung saan makikitang sumasayaw ang aktor habang nasa likuran naman niya ang kanyang mga gym equipment.

“For sale: all-in-one gym equipment, compact, ideal for condo. [Reason for selling:] need to raise funds for second angioplasty procedure,” saad ni Gardo sa IG post niya noong Martes, April 25.

Tila kuha ang naturang video bago pa man mangyari ang kanyang atake sa puso noong nagdaang buwan dahil ayon sa kanyang post ay miss na raw niya ang pagsasayaw.

Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang dasal para sa tuluyang paggaling ni Gardo.

“Get well soon, I love that you embraced practicality, and your health is your great priority. I would have purchased that from you to help, but I don’t live near you tho,” saad ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Gardo Versoza na-discharge na sa ospital, dumiretso ng simbahan para magdasal

Comment naman ng isa, “isabeltish Stay safe always cupcake .. Good morning.. praying for you and your family always.”

“Napasaya mo na Naman kami sir Gardo…enjoy life sir… following here from

Dubai,” sey naman ng isa.

Matatandaang noong Marso ay nagulat ang lahat matapos mapabalitang naospital ang aktor matapos itong atakihin sa puso at ang dahilan ay ang labis na exercise.

Agad ngang sumailalim si Gardo sa angioplasty procedure na successful naman kaya na-discharge na rin ito sa ospital noong April 5.

Ngunit sa kabila nito ay kinakailangan pang niyang sumailalim ulit sa isa pang angioplasty base na rin sa abiso ng doktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gardo Versoza (@gardo_versoza)

Ang angioplasty ay isang medical procedure kung saan ina-unblock nito ang mga baradong arteries at veins upang muling mapanatili ang maayos na blood flow sa katawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Labis labis nga ang pasasalamat ng asawa ni Gardo dahil malaking tulong ang mga dasal ng madlang pipol kaya naka-recover ang asawa sa kabila ng pagiging kritikal ng lagay nito noong nangyari ang atake.

Related Chika:
Gardo Versoza nakaramdam ng lungkot nang maisip na ‘maiiwan’ ang mag-iina niya

Gardo Versoza inatake sa puso dahil sa matinding physical activity, sumailalim sa angioplasty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending