Snooky Serna muntik nang layasan ang showbiz dahil sa bashers: Hindi ako palaban lalo na noon
KAHIT matagal nang panahon, ibinunyag ng batikang aktres na si Snooky Serna kung bakit muntikan na niyang iwan ang buhay-artista.
Kwento ni Snooky, ito ay dahil sa mga nararanasan niyang pamba-bash noong bata-bata pa lamang siya sa showbiz industry.
Naapektuhan daw siya nang sobra na nagdulot pa ito ng depresyon sa kanya.
At dahil daw diyan ay naisipan niyang iwanan na ang Pilipinas at manirahan na lamang sa Amerika.
“Siguro right before mag-asawa ako. I married at 26 kasi. It’s around mga 19 to 21 ako. May pinagdadaanan ako dito sa Pilipinas,” sey niya sa naganap na press conference para sa pelikulang “Maple Leaf Dreams.”
Patuloy pa niya, “I was thinking, mag-quit kaya ako sa showbiz kahit mahal na mahal ko ang pag-aartista. Mamuhay na lang ako nang tahimik doon kasi walang intriga.”
Inisa-isa pa mismo ni Snooky kung anong klaseng pangba-bash ang nakukuha niya noon.
Baka Bet Mo: Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’
“Noong pumayat ako, ‘ay, nag-drugs ‘yan.’ Noong tumaba, ‘ay, buntis si Snooky.’ Pati ’yung physical appearance ko kasi I have a pointed nose,” chika niya.
Ani niya, “I got affected. I’m but human.”
Ngunit inamin ni Snooky na marami ang naging pagbabago sa panahon ngayon, lalo na’t nandyan ang social media na madaling gamitin upang atakihin ang mga celebrity.
“Hindi nga lang ganito karami ang avenues na pwede kaming ma-bash noon,” sambit ng batikang aktres.
Paliwanag niya, “Ngayon kasi, ang social media, kaliwa’t kanan na. Ang dami ng social accounts, may Instagram, Tiktok, Youtube na pwede kang ma-bash. Kasi noon, dyaryo lang.”
Naalala pa ni Snooky na sinabihan siya noon ng kanyang ina, ang yumaong aktres na si Mila Ocampo, na gayahin ang kanyang ugali na matatag, hindi pinapansin ang mga basher at mag-focus na lang sa kanyang craft.
“Pero ako, to be very honest, I’m quite sensitive. Hindi ako palaban lalo na noon,” saad niya.
Samantala, ang “Maple Leaf Dreams” ay pagbibidahan ng Kapamilya loveteam na sina Kira Balinger at LA Santos.
Iikot ang kuwento ng pelikula sa magdyowang Molly at Macky na makikipagsapalaran sa Canada para mabigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.