‘A Rewind’ inilunsad, Pinoy classic films muling babandera sa big screen

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
HANDA na ba kayong maki-throwback at damhin ang kakaibang magic ng ilang Pinoy classic films?
Ilulunsad kasi ng Ayala Malls Cinemas ang isang espesyal na cinematic experience sa pamamagitan ng “A Rewind,” isang proyekto kasama ang ABS-CBN Film Archives at Restoration upang ibalik sa big screen ang ating yaman sa pelikula!
Simula ngayong Abril, mapapanood ang mga digitally restored na klasikong pelikula sa Ayala Malls The 30th, Ayala Malls Cloverleaf, Ayala Malls Fairview Terraces, Ayala Malls MarQuee Mall, at Ayala Malls Legazpi.
At para mas marami ang makapanood, iniaalok ito sa abot-kayang presyo na P180 lamang para sa regular na tiket at P160 para sa mga estudyante na may valid school ID.
Baka Bet Mo: ‘Gulay Lang, Manong!’ magbabalik sa piling sinehan ngayong Abril
Sa pagbubukas ng “A Rewind” mula April 9 hanggang 13, tampok ang dalawang obra: “Kailan Ka Magiging Akin (1991)” sa direksyon ni Chito Roño na pinagbibidahan nina Janice de Belen, Gabby Concepcion, Charo Santos, Gina Alajar, Eddie Gutierrez, at Cherry Pie Picache.
Mapapanood din ang “Tatlong Ina, Isang Anak” sa direksyon ni Mario O’Hara na tampok si Superstar Nora Aunor kasama sina Gina Alajar, Celeste Legaspi, at Matet.
Ayon kay Ms. Yvette Roldan, Ancillary Business Head ng Ayala Malls, “Films are not just entertainment; they are cultural treasures that reflect and shape our society. Preservation is crucial because, without proper care, these treasures can be lost forever.”

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
Kaya naman lubos niyang pinupuri ang Sagip Pelikula ng Kapamilya network, “[It’s] giving different generations of Filipinos the chance to experience Philippine cinema’s finest masterpieces, even if these were shown decades ago.”
Para sa head ng ABS-CBN Sagip Pelikula na si Leo Katigbak, masaya siya sa bagong partnership na ito upang mabandera ang lumang mga pelikula.
“I am particularly excited with this one because now, we are only featuring two movies but in five malls…I’m proud to say even with our limited resources, what we’re going to see is something that was done in-house, in ABS-CBN archives.”
“I hope you enjoy the experience, I hope you get to share it to a lot of people out there. And if you have the opportunity to watch the classics, the local Tagalog movie, try to support it, because with its success, it just means that we will be able to do more of these things down the line,” aniya pa.
Sa mga susunod na buwan, mas marami pang Filipino film classics ang ipapalabas sa iba’t ibang genre, mula horror, drama, komedya, hanggang pantasya.
Sa pamamagitan ng “A Rewind,” hindi lang simpleng panonood ang hatid ng Ayala Malls kundi isang pagkakataon upang muling damhin ang sining at kultura ng ating bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.