Sarah G miss nang umarte, ano bang hinahanap sa proyekto?

Sarah G miss na miss nang umarte, ano bang hinahanap sa proyekto?

Pauline del Rosario - July 12, 2024 - 02:00 PM

Sarah G miss na miss nang umarte, ano bang hinahanap sa proyekto?

PHOTO: Instagram/@justsarahgph

NAMI-MISS na ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang umarte sa harap ng camera.

‘Yan ang inamin mismo ng batikang singer-actress nang makachikahan siya ang INQUIRER.net kamakailan lang sa isang event.

Tinanong kasi siya kung magkakaroon ba siya ng movie comeback anytime soon.

Ang sagot niya, “Oo naman, ang tagal kong gustong gumawa ng pelikula.”

Sey pa niya, “But as you grow older, you become more choosy or hindi naman choosy, [more of] careful with the kind of roles you portray.”

Ipinaliwanag niya rin na mas gusto niyang maging “mindful” sa pagpili ng mga future projects niya.

Baka Bet Mo: Sarah G, Mikhail Red sanib-pwersa, ‘horror’ nga ba ang comeback film?

“We are messengers also, pati sa pagkanta. Kailangan naming piliin ang right material, but given the right material, go ako anytime,” sambit ni Sarah.

Nang tanungin naman siya kung posibleng magsama sila ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli sa isang pelikula.

“Meron kami dapat gawin pero baka sa 2050 namin gagawin,” Biro ng veteran singer.

Pero binawi niya ang una niyang sinabi at nilahad na, “May tamang timing ang lahat.”

Bukod sa musika, maraming nang pinagbidahan na pelikula si Sarah sa buong karera niya sa mundo ng showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan lamang sa blockbuster films niya na talagang sumikat ay ang “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” “It Takes a Man and a Woman,” “Maybe This Time,” “The Breakup Playlist,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending