Sarah Geronimo aminadong hindi pa handang maging isang ina

Sarah Geronimo aminadong takot, hindi pa handang maging isang ina

Pauline del Rosario |March 09,2024
facebook
share this

Sarah Geronimo aminadong takot, hindi pa handang maging isang ina

Pauline del Rosario - March 09, 2024 - 05:00 PM

Sarah Geronimo aminadong takot, hindi pa handang maging isang ina

PHOTO: Instagram/@justsarahgph

APAT na taon na mula nang ikinasal, inaabangan pa rin ng madlang pipol ang pagkakaroon ng anak ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Kahit nga ang celebrity doctor na si Vicki Belo, nasasabik na para sa dalawa kaya siya na rin mismo ang nagtanong sa batikang singer.

“When is the baby coming?” tanong ni Dra. Vicki.

Inamin ni Sarah na kahit siya ay excited nang magka-baby sila ni Matteo, ngunit pakiramdam daw kasi niya ay hindi pa siya handa pagdating sa motherhood.

“Kung ano po, kung ibibigay naman po ni Lord,” sagot ng Popstar Royalty.

Baka Bet Mo: Sarah G: Na-renew ‘yung fire sa puso ko, ‘yung passion ko as an artist

Dagdag niya, “Excited naman po [ako to be a mom]. May mga fears but kung ibibigay ni Lord, so be it.”

Ibinunyag din ng singer na “relaxed” lang sila ngayon ng kanyang mister at hindi pa sumasailalim sa anumang procedure na maaaring makatulong sa kanyang pagbubuntis.

Paliwanag niya, “Madami [akong fears]. Syempre—equipped; [you need] to be really equipped to be a mother.” 

“Open book naman po sa tao na late bloomer po ako. Medyo may mga doubts na gano’n, pero if ibibigay ni Lord, okay naman po ako—if it’s really His will,” sey pa ng singer na ayon sa kanya ay gusto niya magkaroon ng dalawang anak.

Ni-reveal din ni Sarah sa panayam na kasalukuyang ipinapatayo ang dream home nila ng kanyang asawa at inaasahan daw na lilipat na sila ng bahay within this year.

February 2020 nang mangyari ang secret wedding nina Sarah at Matteo.

Kamakailan lang ay gumawa ng kasaysayan si Sarah bilang kauna-unahang Pinay na nakatanggap ng “Global Force Award” mula sa Billboard Women in Music Awards.

“Sa sobra kong overwhelmed, hindi ko ma-explain ‘yung emotions. Lahat ng nararamdaman ko during the event,” sey niya sa ibinanderang Instagram video matapos ang awards night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Parang na-renew ‘yung fire sa puso ko, ‘yung passion ko as an artist at ang paniniwala ko lalo sa ating mga Pilipino na kayang-kaya natin na talagang to really go further at i-uplift pa at talagang ma-recognize, ma-showcase ang Filipino world class talent on a global stage.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending