Sarah G: Na-renew ‘yung passion ko as an artist

Sarah G: Na-renew ‘yung fire sa puso ko, ‘yung passion ko as an artist

Pauline del Rosario - March 08, 2024 - 11:13 AM

Sarah G: Na-renew ‘yung fire sa puso ko, ‘yung passion ko as an artist

PHOTO: Instagram/@justsarahgph

HINDI pa rin maka-get over sa saya at tuwa ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo matapos matanggap ang pagkilala sa Billboard Women in Music Awards 2024.

Sa Instagram, ibinandera ng batikang singer ang kanyang video kung saan muli niya pinasalamatan ang lahat ng tumutulong at umaalalay sa kanyang karera.

Kabilang sa mga nabanggit niya ay ang G Productions, Viva Artists, ang big boss na si Vic del Rosario, ang kanyang fans, pati ang mister na si Matteo Guidicelli.

“To my husband, siya talaga ‘yung nag-push sakin to go here and personally accept my award. Siya ‘yung nagbigay sakin ng confidence,” pagbubunyag ni Sarah.

Patuloy niya, “Sa Billboard Philippines, maraming, maraming salamat for choosing me to represent our country, ang OPM at lahat ng ating napakahuhusay na Pinoy artists. Para po sa inyong lahat ito. It’s truly an honor na i-represent kayo at ako ang napili ninyo.”

Baka Bet Mo: Sarah inialay ang Billboard Women in Music award sa ina: You are my hero!

“Sa sobra kong overwhelmed, hindi ko ma-explain ‘yung emotions. Lahat ng nararamdaman ko during the event,” sey pa niya.

Dagdag niya, “Parang na-renew ‘yung fire sa puso ko, ‘yung passion ko as an artist at ang paniniwala ko lalo sa ating mga Pilipino na kayang-kaya natin na talagang to really go further at i-uplift pa at talagang ma-recognize, ma-showcase ang Filipino world class talent on a global stage.”

“Kayang-kaya natin if we will just support each other and uplift one another, walang crab mentality, suportahan natin ang isa’t-isa, walang away-away, not comparing one artist from another dahil lahat tayo ang galing…Kumbaga hindi gauge ng pagiging magaling or effective na artist ’yung you can just belt high notes and ‘yun na ‘yun, that stops there, hindi,” mensahe ng singer.

Paliwanag pa niya, “Diverse ang music, ang daming facets ng music, kailangan talagang pagyamanin natin ‘yan at i-embrace natin ang Filipino talent kahit na ano ang genre –pop, rap, hip-hop, jazz, rock, lahat i-embrace natin ang vastness ng music.”

“Thank you Billboard Philippines! Mabuhay ang OPM!” ani pa niya sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

Para sa mga hindi pa aware, gumawa ng kasaysayan si Sarah bilang kauna-unahang Pilipino na nabigyan ng parangal ng “Global Force Award” mula nang magsimula ito noong 2007.

Ang awarding ceremony ay nangyari noong March 7 sa YouTube Theater sa California.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending