Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows? | Bandera

Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows?

Therese Arceo |November 04,2022
facebook
share this

Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows?

Therese Arceo - November 04, 2022 - 06:25 PM

Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows?
TRUE nga kaya ang chika patungkol sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo?

Naging isa ang singer-actress sa mga ceebrities na talagang pinag-usapan noong nakaraang linggo at magpasahanggang ngayon dahil sa naging Instagram post nito noong Sabado, October 30.

Kalakip ng bible verse na Psalms 28:7 ay ang mahabang mensahe ni Sarah para sa kanyang pamilya at sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

Humingi ng tawad ang singer-actress sa mga magulang para sa mga desisyong nagawa nito at nagpasalamat naman sa mga taong naniwala at patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ngunit sa ngayon ay burado na ang naturang post sa Instagram page ni Sarah.

At isa nga ang Popstar Royalty sa mga artistang napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang YouTube chabbel kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Ayon sa mga bulung-bulungan na nagdadalang tao na raw si Sarah para sa first baby nila ng asawang si Matteo Guidicelli.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit hindi muna tumatanggap ng mga shows na out of town ang singer-actress.

“Uy ano nga itong narinig ko Loi ha, saglit, oo, na ito raw si Sarah Geronimo, kaya hindi muna or hindi pansamantala na tumatanggap ng mga out of town shows ay dahil siya ay buntis na?” saad ni Ogie.

Pagpapatuloy pa niya, “Wow, kung totoo man ito, aba naku, I’m sure, ito na ‘yung sinasabi ng mga matatanda na mas mahal ang tubo kaysa sa puhunan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Baka ito na nga ang dahilan para lumambot na ang puso ni Mommy Divine dahil makikita na niya ang kaniyang apo kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.”

Chika pa niya, hintayon na lang raw ang confirmation ng mag-asawa kung may katotohanan nga ba ang kumakalat na chika.

Samantala, wala pang pahayag o kumpirmasyon ang kampo nina Sarah at Matteo patungkol sa balitang ito.

Related Chika:
Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pandemic hugot ni Sarah, kalimutan na ang galit: Choose peace and freedom over hate

Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending