Sarah G, Mikhail Red sanib-pwersa, 'horror' ang comeback film?

Sarah G, Mikhail Red sanib-pwersa, ‘horror’ nga ba ang comeback film?

Pauline del Rosario |March 21,2024
facebook
share this

Sarah G, Mikhail Red sanib-pwersa, ‘horror’ nga ba ang comeback film?

Pauline del Rosario - March 21, 2024 - 10:31 AM

Sarah G, Mikhail Red sanib-pwersa, 'horror' nga ba ang comeback film?

PHOTO: Instagram/@vivaartistsagency

EXCITED na ang maraming fans sa comeback film ni Popstar Royalty Sarah Geronimo!

Ang exciting news, ibinandera sa Instagram post ng Viva Artists Agency kung saan makikita ang litrato ng batikang singer kasama ang award-winning director na si Mikhail Red.

Wala pag detalye kung ano ang aabangan kay Sarah at Mikhail, pero mababasa ang katagang “SOON.”

Baka Bet Mo: Julie Anne San Jose hinamong makipag-showdown kay Sarah Geronimo: Hindi po ako lalaban

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA ARTISTS AGENCY (@vivaartistsagency)

Sa comment section, ramdam na marami ang sabik na sabik na sa nilulutong proyekto para kay Sarah at ang hula pa nga ng iba ay gagawa siya ng isang horror movie.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“[ghost emojis] bagong Sarah na naman!!! Exciting!!!”

“Sarah G. + Horror?! Game! [smiling face with hands emoji]”

“OMG EXCITED FOR THIS [clapping hands emoji]”

“Wow! Sana Direk @red_mikhail itong movie mo with her ang maglalabas ng husay ni @justsarahgph sa acting kasi ang galing nya talaga miski sa Drama. Sana humakot si Sarah ng Best Actress Awards naman this time aside sa Music.”

“Wow perfect. Ishoot na yan.”

“Omg is this horror!!!??”

Kilala si Direk Mikhail sa horror at thriller films katulad ng “Deleter,” “Eerie,” at “Birdshot.

Sakaling isang pelikula nga ang upcoming project ng dalawa, ito ang magsisilbing comeback movie ni Sarah makalipas ang limang taon.

Kung maaalala, huli siyang bumida sa drama film na “Unforgettable” na ipinalabas noong 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang, gumawa ng kasaysayan ang Popstar Royalty bilang kauna-unahang Pinay na nabigyan ng “Global Force Award” sa Billboard Women in Music Awards na ginanap sa Los Angeles, California.

Lubos na pinasalamatan ng singer ang lahat ng umalalay at sumuporta sa kanyang karera, lalo na ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending