Snooky sa dyombagan scene nila ni Maricel sa 'Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin': OMG! Patay na yata ako, galing ba ako sa langit o impiyerno?’ | Bandera

Snooky sa dyombagan scene nila ni Maricel sa ‘Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin’: OMG! Patay na yata ako, galing ba ako sa langit o impiyerno?’

Ervin Santiago |April 06,2023
facebook
share this

Snooky sa dyombagan scene nila ni Maricel sa ‘Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin’: OMG! Patay na yata ako, galing ba ako sa langit o impiyerno?’

Ervin Santiago - April 06, 2023 - 07:39 AM

Snooky sa dyombagan scene nila ni Maricel sa 'Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin': OMG! Patay na yata ako, galing ba ako sa langit o impiyerno?’

Maricel Soriano at Snooky Serna

“NASESENTI ako kasi naaalala ko yung mga kaganapan behind the scenes,” ang bahagi ng pahayag ni Snooky Serna matapos panoorin ang 1995 classic drama movie na “Inagaw Mo ang Lahat sa Akin.”

Bumalik daw sa kanyang alaala ang mga kaganapan habang ginagawa ang pelikula kasama sina Maricel Soriano, Tirso Cruz III at Eric Quizon, mula sa direksyon ni Carlos Siguion Reyna.

“Naaalala ko at saka nasesenti ako kasi naaalala ko yung mga behind the scenes parang nanumbalik ba. Ha-hahaha! Tapos ngayon na pinanood ko siya ulit, it has a fresh take on me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


“Para bang pinanonood ko ulit siya for the first time ulit. Ganu’n ka-timeless yung pelikula. It’s a classic and I’m honored to be a part of it,” ang chika ni Snooky sa panayam ng ABS-CBN sa naganap na special screening ng restored version ng “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin” sa Manila Metropolitan Theater (MET), organized by the Film Development Council of the Philippines’ (FDCP).

Ilang ulit na rin naming napanood ang movie at isa nga sa matataaag na “most iconic scene” dito ay ang pisikalang away nina Snooky at Maricel.

Baka Bet Mo: Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!

“Parang feeling ko anim na beses nangyari yung paikot-ikot. Until magawa yung take. Yun yung sa reality ng brain ko. So on the sixth take, sabi ko, ‘Oh my gosh, patay na yata ako, have I died and gone to heaven or hell?’ Pero this is all for the sake of realism.

“Ang mga babae naman kasi talaga, we had to do it in a bara bara way. Wala talaga kaming technique kung panao mag-away eh. At saka yung character ni Cel (Maricel) nandu’n na siya na parang possessed na siya, eh.

“She was in the height of her anger and yung kimkim ng sama ng loob niya sa buong pelikula, du’n na niya nailabas talaga yung galit niya. Ang galing-galing ni Cel,” aniya pa.

“Medyo nabukulan lang ako ni Marciel at saka nagkaroon lang ako ng black eye, hindi naman masyado. Ha-hahaha! Kasi naman noon napaka-frail ko. Nakita niyo naman kung gaano ako kapayat. So talagang lumilipad ako.

“Pero siyempre naman bilang ate ko, alam ko si Maricel puwede siya maging mas malakas du’n eh. Baka tumalbog ako sa sky at hindi na ako bumalik sa earth.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


“So we had to do the scene and siya talaga nagdala nung eksena. Sa pagka-frail ko lang, hindi lang talaga ako makaariba masyado, so medyo may konting na-black eye-an ako ng konti ni Ms. Mary.

“Pero okay lang yun kasi nag-consent naman kami to do the scene so I cannot be maarte about it or look back on it with bitterness. Nandu’n na eh, tapos na,” dire-diretsong chika pa ng seasoned actress.

Dugtong pa niyang pahayag, “Ang importante ay after that scene, nag-usap kami ni ate tapos nailabas ko yung sama ng loob ko at that time, na baka naman unfounded dahil baka maarte lang ako noon.

“Tapos lumabas na maganda naman yung pelikula. Obra maestra naman talaga. I don’t know if this is stupid to say but it’s all worth it naman eh. Sabi nga nila when you act in a movie, it’s blood, sweat, and tears that you give.

“So ang gusto ko lang sabihin, at ito’y walang halong ek-ek or kiyeme, I’m just really so proud to have been a part of this masterpiece,” sey pa ni Snooky.

Netizen inakusahan si Rayver na inagaw si Sunshine kay Cesar: Magpinsan po kami! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

3 GMA Sparkle stars magpapatalbugan sa remake ng ‘Underage”, mapantayan kaya sina Maricel, Dina at Snooky?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending