3 GMA Sparkle stars magpapatalbugan sa remake ng 'Underage", mapantayan kaya sina Maricel, Dina at Snooky? | Bandera

3 GMA Sparkle stars magpapatalbugan sa remake ng ‘Underage", mapantayan kaya sina Maricel, Dina at Snooky?

Ervin Santiago |November 30,2022
facebook
share this

3 GMA Sparkle stars magpapatalbugan sa remake ng ‘Underage", mapantayan kaya sina Maricel, Dina at Snooky?

Ervin Santiago - November 30, 2022 - 07:39 AM

3 GMA Sparkle stars magpapatalbugan sa remake ng 'Underage", mapantayan kaya sina Maricel, Dina at Snooky?

Snooky Serna, Dina Bonnevie, Maricel Soriano, Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes

MARAMI na ang naiintriga kung paano ang magiging atake ng GMA 7 sa pinakaaabangang remake ng 1980 cult classic ng Regal Entertainment na “Underage.”

Handang-handa nang magbigay ng fresh twist sa istorya at mag-flex ng kanilang kaseksihan ang tatlo sa up-and-coming actresses ng Sparkle na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Makikita sa recent Facebook at Instagram posts ng Sparkle ang palabang beauty ng mga bagong bida ng “Underage.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lexi Gonzales (@lalexigonzales)


Ayon sa isang netizen, “Ganda talaga ni Lexi Gonzales! Galing mo mareng Elijah, bida na ang role mo! Congrats, Hailey sa iyong big break!”

Ang original stars ng “Underage” ay ang tatlong itinuturing na reyna ng kanilang henerasyon — sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie at Snooky Serna. Ito’y idinirek ni Joey Gosiengfiao at isinulat ni Toto Belano.

Naging blockbuster hit ang nasabing pelikula noong 1980 na naging daan para maging big stars sa mundo ng showbiz ang tatlong movie icon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Alejo 💫 (@itselijahalejo)


Kasunod nito, gumawa uli ang Regal Films noong 1991 ng bagong version ng nabanggit na pelikula, ang “Underage Too” na pinagbidahan nina Ruffa Gutierrez, Carmina Villarroel, and Aiko Melendez, sa direksyon naman ni Maryo J. delos Reyes.

Kaya naman kaabang-abang talaga kung paano bibigyang-hustisya nina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes ang GenZ version ng “Underage” na mapapanood na sa January, 2023 sa GMA Afternoon Prime.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hailey Mendes (@haileymendes1)


* * *

Ihanda na ang panyo para sa isang emosyonal na pagbubunyag sa pinakatatagong sikreto sa afternoon series ng GMA na “Abot Kamay Na Pangarap.”

Hindi na napigilan ni RJ (Richard Yap) ang sarili na ibunyag ang katotohanang anak niya si Analyn (Jillian Ward) matapos sumabog ang kanyang damdamin nang sugurin sila ni Zoey (Kazel Kinouchi) dahil nakita sila nitong magkayakap.

Dahil dito, na-excite lalo ang netizens sa susunod na mangyayari sa buhay ni Analyn.

“Ang galing nalaman na ni Analyn ang totoo na tatay niya si Doctor Tanyag. Excited na ako para bukas. Aabangan talaga namin ‘to! Nakakaiyak naman,” ang comment ng isang fan.

Kaya huwag nang pahuhuli sa rebelasyong ito sa “Abot Kamay Na Pangarap”, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!

Arjo napiling bida sa remake ng ‘Sa Aking Mga Kamay’ ni Aga: “I can’t do what he did but…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending