Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: 'Sana sinampal mo!' | Bandera

Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Ervin Santiago |November 27,2022
facebook
share this

Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 07:53 AM

Snooky binatos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: 'Sana sinampal mo!'

Maricel Soriano at Snooky Serna

ISANG aktres ang sinopla at pinagsabihan ng veteran actress na si Snooky Serna matapos siyang bastus-bastusin nito habang nasa taping.

Inalala ng award-winning actress ang ginawa niyang “pagkumpronta” sa isang female star na nakatrabaho niya sa isang teleserye na ginawa niya noon sa GMA 7.

Sa kanyang YouTube vlog kasama ang kaibigang Diamond Star na si Maricel Soriano, inilahad ni Snooky ang hindi niya malilimutang karanasan sa nasabing aktres.

Napagchikahan nina Maricel at Snooky ang tungkol sa mga naging experience nila sa mga nakatrabahong artista sa ilang dekada nila sa showbiz.

Sa isang bahagi ng kanilang kuwentuhan naitanong kung ano ang gagawin nila kapag may bida-bidang artista sa kanilang set. Sagot ni Maricel, sosoplahin at talagang tatalakan niya ang mga ito.

Tinanong naman ng Diamond Star si Snooky kung may nasopla na siyang katrabaho, “Ako, artista pa nga ito. May ginawa akong show sa Kapuso network, na parang nung una nagpapaka-Miss Friendship ako sa kanya, Miss Congeniality.

“Friendly naman ako. Although hindi naman ako perfect pero friendly naman. I’m trying to be a good person,” aniya.

“Long story short, e, parang napapansin ko na parang nilalanggo-langgo ako. Yung parang kausap ko, ‘Ha? Ha? Ha? Uh, what? What?’ ginaganu’n ako. Parang bastusan,” chika ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Snooky Serna (@snookysernaofficial)


Pagpapatuloy pa niya, “Tapos kapag nagti-take kami, parang wala siyang effort to support. Di ba kapag magkaeksena, siyempre, support-support tayo niyan, e.”

Hirit bigla ni Maricel, “Sana sinampal mo.”

“Hindi ko naman sinampal, pero nasopla ko for the first time in my life. Hindi ako proud. Pero nasopla ko yung artistang iyon,” paglilinaw ni Snooky.

Isang araw, nagdesisyon si Snooky na kausapin na ang bastos na aktres, “Talagang sabi ko, ‘Can I talk to you?’ Tapos sabi niya, ‘Ah, okay, sige,’ nag-aano pa naman kami, rehearsal.

“’Tapos, ayun, kinausap ko siya. Nag-sorry naman. Tapos, ang ending naman nito maganda, kasi she was humble enough naman na nag-sorry siya sa akin.

“Tapos hindi kami friends. I know, siguro meron pa siyang sama ng loob sa akin, but I hope and pray na sana nakita niya rin ang point ko. Ako naman, I forgave her na,” lahad pa ni Snooky.

Walang binanggit ang beteranang aktres kung sino at saang serye niya nakasama ang tinutukoy na female celebrity. Ilan sa mga GMA series na ginawa niya ay ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” (2020), “Sahaya” (2019), “Pamilya Roces” (2018), “The One That Got Away” (2018), “Hahamakin ang Lahat” (2016-2017), at “Sinungaling Mong Puso” (2016).

So, isa-isahin n’yo na lang kung sinu-sino diyan ang mga aktres na nakasama ni Snooky na nambastos pero nag-sorry naman sa kanya.

Snooky unang nakapasa bilang Madam Claudia sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ pero napunta kay Jean; umaming insecure noon sa ilong

Snooky tinuhog ang 2 major award sa Filmfest Manhattan 2021; Rita binigyan ng ‘honorable mention’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maricel naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending