Snooky Serna halos isumpa ng fans ni Jennylyn
NAPAKARAMING naiinis sa karakter ni Snooky Serna na si Mercedes sa My Faithful Husband gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Bukod sa atribida at pakialamera na eh, grabe pang mamahiya ang babaeng ito. Kung noong una ay nakakaawa na si Dennis Trillo na gumaganap bilang si Emman, aba, mas maaawa kayo sa gagawin niya kay Jennylyn Mercado na gumaganap naman bilang si Mel.
Pero in fairness kay Snooky, panalo ang acting niya sa My Faithful Husband, pwedeng-pwedeng bigyan ng award! Sabi nga, kapag nabubuwisit ang manonood sa isang kontrabida, ibig sabihin nu’n epektib ang akting niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.