Netizen inakusahan si Rayver na inagaw si Sunshine kay Cesar: Magpinsan po kami! Ha-hahaha!
TAWANG-TAWA ang aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz sa isang netizen na nagkomento sa mga litrato nila ng Kapuso actor na si Rayver Cruz.
Inakala kasi nito na may relasyon sina Sunshine at Rayver kaya sa ipinost niyang comment sa Instagram pictures ay tila nagalit pa ito sa dalawang Kapuso stars.
Wala sigurong kaalam-alam ang nasabing IG user na magpinsan sa tunay na buhay sina Sunshine at Rayver kaya naman sinagot agad siya ng aktres nang mabasa ang komento nito.
Nagbahagi kasi si Shine sa Instagram ng mga litrato nila ni Rayver na kuha nang mag-guest siya sa weekly musical-variety program sa GMA 7 na “All-Out Sundays” kung saan isa sa mga regular host ang binata.
Makikita sa unang photo sina Sunshine at Rayver kasama ang girlfriend nitong si Julie Anne San Jose habang sa ikalawang litrato naman ay sina Sunshine at Rayver lang ang magkasama. Nakaakbay pa ang aktor sa kanyang pinsan.
View this post on Instagram
Ang inilagay na caption dito ni Sunshine ay, “A photo taken when the Cruz cousins guested for your birthday prod on @alloutsundays7. I remember asking you na I wanted sana a photo with @myjaps.
“Know that your Ate Shine loves you and I am very happy for you! I’m sure Tita Beth is smiling in heaven now. You deserve everything you have now dahil napakabait mong tao. Happy Birthday @rayvercruz! Love you Ray,” sabi pa niya.
Mababasa nga sa comments section ang sinabi ng netizen sa litrato nina Sunshine at Rayver. Inakusahan pa nito ang aktor na inagaw daw ni Rayver si Sunshine sa idol niyang si Cesar Montano.
“Pa pogi ka inagaw mo kay idol ko cesar montano,” ang sey ng netizen.
Sagot naman ni Sunshine sa kanya, “Pinsan ko po si Rayver. Hahaha. (laughing in tears emoji).”
Sa mga hindi pa nakakaalam, very close si Sunshine sa yumaong nanay ni Rayver na si Beth Cruz na kapatid ng tatay ng aktres na si Danny Cruz.
Sunshine Cruz sa muling pagkikita nila ni Cesar Montano: God’s perfect timing!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.