Gabby espesyal kay Snooky, na-hurt nang manligaw sa ibang girl

Gabby espesyal kay Snooky, na-hurt nang manligaw sa ibang babae

Ervin Santiago - August 18, 2024 - 12:35 AM

Snooky puppy love si Gabby, na-hurt nang manligaw sa ibang babae

Snooky Serna, Albert Martinez, Richard Gomez at Gabby Concepcion

NAGPAKATOTOO ang award-winning veteran actress at movie icon na si Snooky Serna sa pagpili kung sino ang pinakaespesyal na leading man para sa kanya.

May tatlong aktor ang talagang nagmarka sa mundo ng showbiz bilang ka-lovetean ni Snooky sa kanyang mga pelikula, na halos lahat ay ipinrodyus ng Regal Entertainment na pag-aari ng yumaong iconic film producer na si Mother Lily Monteverde.

In fairness, dekada 80 pa lamang ay humahataw na si Snooky sa paggawa ng kaliwa’t kanang pelikula hanggang sa maitambal nga siya kina Gabby Concepcion, Richard Gomez at Albert Martinez.

Baka Bet Mo: Snooky binastos ng katrabahong aktres, hirit ni Maricel: ‘Sana sinampal mo!’

Pero sino nga ba sa tatlong aktor ang  pinaka-special kay Snooky? Sinagot yan ng beteranang aktres sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Snooky Serna (@snookyserna4466)


Diretsahang tugon ni Snooky, “Ako, para sa ‘kin, Gabby. Richard was part of Blusang Itim, Albert was my first love, pero si Gabby kasi parang may special chemistry kami.

“Ako, I felt the chemistry. ‘Yung sa pag-arte namin, parang we would read each other’s minds, tapos ‘yung pati sa itsura namin.

“Ewan ko ha, kasi ito ‘yung sabi sa akin ni Mother Lily palagi, na parang, ‘Hay naku, Snooky-Gabby, gusto ko ‘yan. Kasi parehong mestizo, mestiza, maganda, gwapo, bagay na bagay,’” paliwanag ni Snooky.

Baka Bet Mo: Snooky Serna muntik nang layasan ang showbiz dahil sa bashers: Hindi ako palaban lalo na noon

Pagpapatuloy pa niya, “And ‘yung acting kasi namin, I mean ‘yung chemistry namin while acting for a role in a movie, parang may rapport kami.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby)


Rebelasyon pa ni Snooky, totoong kinilig din siya noon kay Gabby nang bonggang-bongga.

Pero paglilinaw niya, hindi sila umabot sa pagkakaroon ng relasyon at talagang hanggang professional relationship lang sila.

Pero sey ni Snooky, medyo na-hurt daw siya noong may niligawang iba ang aktor, “Kasi in a way, parang first puppy love ko yata talaga si Gabby. I can now openly say it dahil matatanda na kami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ewan ko ba kung ano ang secret niya, pero ang gwapo talaga ni Gabby. Talagang ang linis-linis ng aura niya, mabango tingnan, napaka-neat ni Gabby,” pagbabahagi pa ni Snooky Serna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending