Roderick hindi nakulong matapos masangkot sa isyu ng ‘ghost employees’, ‘unfair’ daw ang pagbabalita sa kaso
NAGTATAKA ang mga netizens kung bakit nakagawa pa ang veteran actor na si Roderick Paulate ng pelikula matapos mabalitang nakakulong ito.
Kasama si Kuya Dick sa pelikulang “In His Mother’s Eye” na pinagbibidahan ng matalik niyang kaibigan na si Diamond Star Maricel Soriano.
Sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz para sa kanyang “Showbiz Updates” YouTube channel ay napag-usapan nga nila ng premyadong aktor ang tungkol dito.
Nabanggit ni Papa O sa dating konsehal ng Quezon City na marami umanong nagtatanong at nagtataka kung bakit kasama ang komedyante sa pelikulang “In His Mother’s Eye” samantalang ang pagkakaalam nila ay nakakulong ito.
Last January, naglabas ng resolusyon ang korte na nagpapatibay sa hatol na pagkakakulong kay Roderick dahil sa kasong kinasangkutan nito kaugnay ng mga “ghost” employees sa kanilang distrito.
Baka Bet Mo: Naranasan ko na lahat ‘yan, pera, kasikatan…ngayon interes talaga ng tao ang isusulong ko – Robin
Paliwanag ng beteranong komedyante, hindi raw siya nakulong sa kabila ng inilabas na hatol ng korte laban sa kanya.
View this post on Instagram
“Once and for all, hindi po ako nakulong,” paglilinaw ni Roderick.
“Okay, totoo ‘yun. ‘Yung lumabas sa news. Pero hindi naman sinasabi ng news kung ano ‘yung mga legal procedure na mangyayari,” esplika ni Kuya Dick.
Patuloy pa niyang paliwanag, “Bakit ganoon? Noong negatibo, ang laki-laki ng balita. Pinagpiyestahan ako.
“Pero bakit noong in-acquit ako at dinismis ang kaso ng Court of Appeals, bakit hindi n’yo rin pinagpiyestahan at hindi kayo nag-hallelujah?
Baka Bet Mo: Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!
“So, I find it unfair,” ang hinanakit pang sabi ng komedyante.
Ayon pa kay Kuya Dick, matagal nang na-dismiss ang kasong isinampa sa kanya pero patuloy pa rin umanong lumalaban ang mga taong nagsampa ng demanda laban sa kanya.
Matatandaang kinasuhan ng graft si Roderick dahil sa pagha-hire umano ng mga ghost employee noong nagsisilbi pa siya bilang konsehal ng Quezon City.
Samantala, marami naman ang nagandahan sa trailer ng pelikula nila ni Maricel na “In His Mother’s Eyes” na nabigong makasama sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nanghinayang nga ang mga fans ng dalawang veteran stars nang mapanood nila ang trailer ng movie dahil naniniwala sila na isang potential blockbuster sana ang pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.