Agree kayo: Kung sino pa mukhang tulingan yun pa ang may lovelife?!
AGREE ba kayo mga ka-BANDERA sa hugot ng isang OFW na kung sino pa raw ang mga babaeng mukhang “tulingan” ay sila pa ang may lovelife at nakatagpo na ng kanilang forever?
Usap-usapan ngayon ng mga Marites ang isang nakakalokang post sa Facebook page na “PESO SENSE” kung saan nagbahagi nga ang isang nagpakilalang OFW ng kanyang observation about her friends.
Takang-taka raw siya kung bakit maraming babaeng magagandang babae, sexy, rich at independent women na nananatiling single at wala pa ring dyowa rin until now.
Habang ang mga babaeng tinawag niya na parang isdang “tulingan,” ay happy sa kanilang married life, may mga anak at may lover pa.
“Share ko lang ang opinion ko. Napapansin ko kasi kung sino pa ung maganda, matalino, mayaman, sexy at mabait na babae un pa ang mga single,” ang unang mababasa sa naturang post.
Patuloy pa niya, “Ung observation ko base sa mga kakilala kong girls at ung iba mga former batchmates ko sa school at ung iba workmates ko both Filipina and foreigner. OFW kasi ako.
“Lahat ng ‘complete package’ girls meaning halos lahat nasa kanila na. Beauty and brains, sexy, nice personality, mayaman and independent women. Tapos magugulat ka na walang boyfriend or asawa! Take note hindi sila lesbians ha,” ang sey pa ng OFW.
Paliwanag pa niya, “When I say single eh hindi ung mga single mother. Ung LEGIT na single talaga. Never been married and no kids at all.
“Tapos kung sino ung mukhang ‘tulingan’ eh un pa ang may mga asawa hehehe. Ung iba nga happily married pa.
“Ung mga babae sobrang average and below average looking tapos un iba nga wala pang pinag-aralan tapos nakatagpo ng forever nila. Minsan mapapaisip ka nlang din eh, as the saying goes the irony of life,” aniya pa.
Patuloy pa niya, “Like for example I have a friend. She is in early 40’s na pero infairness maganda pa din siya. Matalino, graduated cum laude from a reputable school, maganda ang work, earning 6 -digit income salary, well-off din siya sariling sikap nia, may bahay, car, investments at kung anu anu pa siya. Un lang single siya.
“When I ask her if it is a choice, sabi nia hindi naman daw, hindi lang daw talaga dumating ung tamang guy sa life niya.
“Merun din isa pa girl na kakilala ko, complete package girl din. When I ask why single siya for sure maraming lalaki nagkakagusto sa kniya.
“Ang sagot nia is ayaw daw niya matulad sa nanay nia. Na- pressure mag asawa ng mga kamaganak kasi nag-kakaedad na kaya kahit ung tatay nia eh no education, iresponsable at lasenggo pinatulan ng nanay nia.
“She grew up in a dysfuntional family and poverty at ayaw na daw nia maulit ang ganung buhay,” ang rebelasyon pa niya.
Sa huli kinuha pa niya ang reaksyon ng mga netizens sa kanyang hugot, “Agree ba kayo sa observation ko na kung sino pa ang complete package women eh un pa ang mga single and loveless?”
Narito ang ilan sa mga comments ng mga nakabasa sa napakahabang post ng OFW.
“Grabe naman k nman sender mukhang ‘TULINGAN’ talaga..ung ibang hindi tumitingin sa physical n anyo ng tao.”
“Malapit or sa ilalim po ba kayo ng dagat nakatira?”
“Masarap kasi ang sabaw ng tulingan kesa jan sa complete package na sinasabi mo.(just kidding). Simple lng ang sagot jan,mataas ang standard nila. Pero deep inside,gustong gusto ng mga iyan mag asawa.Asking for a friend.”
“Unang una wala kang ‘right’ mangialam ng buhay ng iba dahil may sarili kang buhay. Pakialaman mo sila kung ikaw ang naglalagay ng pagkain sa hapag kainan nila. And wag kang magcocompare ng hitsura at kung anong buhay meron sila dahil iba iba tayo ng struggles sa buhay. Yung sinasabi mong mukang tulingan ay baka lagi silang nasa bahay at nag aalaga ng anak pero once ma-make over at nakapag ayos sila ay maganda yan sila. Don’t be quick to judge.”
“Great minds talk about ideas, average minds talk about events, and small minds talk about people. To answer your question, kaming mga ‘mukhang tulingan’ (na-generalize kasi eh maybe small yung world mo) some of us are also strong independent woman, achiever, complete package, etc before we met the right person in our life. We just chose to be more feminine traditionally / submissive (some of us).”
“Isa ka ba sa mga all-in-one package? Hahaha. Not everything you see on the surface is as perfect as they are in all aspects. Mahirap makakita ng ka-compatible sa totoo lang. And beauty is in the eye of the beholder. Some men they don’t just look after the physical appearance. Ang tinitingnan nila ugali. Marriage and parenting is not for everyone.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.