OFW sa Taiwan shookt nang biglang umandar ang tren habang nagba-vlog
NAKAKAWINDANG ang nangyari sa isang OFW sa Taiwan na habang nagba-vlog ay naabutan ng pagsara ng pinto at biglang pag-andar ng sinakyang tren.
Ang ending, naiwan niya sa labas ng istasyon ng tren ang gamit niyang cellphone na ipinatong lamang niya sa lapag na dinaraanan ng mga tao.
Habang umaawra nang bonggang-bongga sa loob ng tren ay bigla na ngang nagsara ang pinto ng tren at umandar na patungo sa susunod na station. Kaya goodbye cellphone nga ang drama niya.
Napanood namin ang video nito sa “For Your Page” ng GMA Public Affairs, kung saan nakilala ang vlogger na si Revo Odiza. Dito, naikuwento niya kung ano talaga ang nangyari.
Baka Bet Mo: Camille kinuwestiyon ang pagiging nanay nang ipasyal ang anak sa Vietnam
Bago pumasok sa loob ng tren ay ipinuwesto muna niya ang cellphone sa labas para makunan ang pag-enter niya sa bagon.
Pero huli na para mabalikan ang kanyang telepono dahil nag-signal nang magsasara na ang tren. “Talagang grabe po ‘yung kaba ko po nu’n,” ang pahayag ni Odiza sa “FYP”.
“Nagba-vlog po kami ng kaibigan ko. Tapos sabi ko po sa kanya isunod niya po sa akin ‘yung cellphone ko.
“So pagsakay ko po sa train, tinrap niya po ako na hindi na po siya sumakay kaya nakikita niya po, tumatawa po ako roon.
“Pero ninenerbyos po ako kasi wala po siyang sinabi kung saan kami magkikitang station,” chika ni Odiza.
Sey pa ng vlogger, natakot din siya nang slight nang hindi na nakasunod ang kanyang kaibigan sa tren lalo’t hindi pa rin daw niya kabisado ang kanilang pupuntahan.
Baka Bet Mo: Mga alagang hayop papayagan na sa LRT-2 simula Feb. 1
“Buti po may dala po akong tablet, nakontak ko po siya. Pero talagang grabe po ‘yung kaba ko po noon,” sabi ni Odiza na muli namang nakita ang kaibigan sumunod na istasyon.
Inamin ni Odiza na may mga bashers din siya sa social media, “Marami pong nagsasabi na parang puro pasarap ng buhay. Pero para sa akin po kasi, ‘yun po ang way para ma-appreciate mo na ‘Ay, ito ka na pala.’
“Kasi kapag araw-araw kang nagtatrabaho nakaka-burn out po eh. Sa amin po kasi, 12 hours kami sa work namin. Kailangan natin ng work and life balance,” esplika ng OFW.
Patuloy pa niyang kuwento, “Bale hindi ko rin po in-expect na makakapagtrabaho ako rito sa Taiwan. Since wala rin po talaga kaming pera.
“Talagang survival lang po ang nangyari sa amin sa Pilipinas. Sinugal ko po lahat ng pera ko. Talagang nai-placement fee ko pa.
“Noong una, medyo nakalulungkot kasi, nakaka-miss ‘yung pamilya natin tapos, kailangan po talaga ng tiyaga,” pagbabahagi pa ni Odiza sa kanyang buhay bilang OFW sa Taiwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.