Alden inalay ang movie nila Kathryn, Sparkle World Tour sa OFWs

Alden inialay ang movie nila ni Kathryn at Sparkle World Tour sa mga OFW

Ervin Santiago - July 01, 2024 - 06:35 AM

Alden inialay ang movie nila Kathryn at Sparkle World Tour sa mga OFW

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Isko Moreno, Alden Richards, Ken Chan, Jillian Ward, Bianca Umali at Ruru Madrid

SALUDO at proud na proud ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa lahat ng mga OFWs na patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Karapat-dapat lang daw na bigyan ng pagkilala ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo na itinuturing ngayong mga bagong bayani.

Kaya naman iniaalay ni Alden sa lahat ng OFW ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Again”, ang sequel ng blockbuster movie nilang “Hello, Love, Goodbye” mula sa direksyon ni Cathy Garcia.

Baka Bet Mo: 8 Kapuso celebs napili bilang banner stars ng Sparkle; handa nang sumabak sa mga hamon ni Mr. M

Bukod dito, excited na rin si Alden para sa Sparkle World Tour kung saan makakasama niya sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Isko Moreno, Ken Chan, Jillian Ward, Ruru Madrid, Bianca Umali, Betong Sumaya at Boobay.

Hahataw si Alden sa “Sparkle Goes To USA” concert sa August 9, sa City National Grove of Anaheim, California at sa August 10 naman ay nasa sa San Francisco, California sa South San Francisco High School Auditorium sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa August 11, babalik ng Calgary, Canada si Alden kasama si Boobay para sa Southview Alliance Church show at sa August 17 naman ay nasa Toronto, Canada sila.

“I really look forward to shows like this. It has been a while since my last international show with GMA. So, excited to be in those countries. Medyo marami nga sila, medyo sunud-sunod sila.

“Makikita niyo po August 9, 10, 11, tinalun-talon ko po yung United States to Canada,” saad ni Alden sa nakaraang media conference ng Sparkle World Tour.

“Exciting, kasi you know objective naman talaga namin whenever we do shows like this is to really enjoy and bring the Philippines to our Global Pinoys abroad,” sabi pa ng Kapuso superstar.

Bukod sa US, naka-schedule na rin ang Sparkle concert sa Tokyo, Japan, kung saan makakasama nga ni Alden sina Rayver, Julie Anne, Ruru, Bianca, Ken at Jillian with Betong.

Baka Bet Mo: Isko Moreno pumirma na ng kontrata sa GMA Sparkle: ‘It’s good to be home’

Magaganap ang “Sparkle Goes To Japan” sa September 1 na gaganapin sa Hikarigaoka Park sa Nerima City, Tokyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ni Alden, “I think we really should consider our OFW, our kababayans abroad na rin, heroes.

“Kasi the sacrifices that they have made for them to be in that country, malayo ang pamilya to earn a living to sustain their family here in the Philippines.

“Kaya sobrang meaningful sa akin that I was able to portray a role ng isang OFW, because I can relate more to them.

“So, I can be more of service to them in terms of entertainment,” sey pa ng Pambansang Bae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For tickets, please contact Ms. Vangie Fons at (587) 834-1820 or Ruvie Ruiz at (403) 975-0085, Sky Beverly Hills, (626) 383-9201 at sa 03-6868-3880 o 080-4347-6888.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending