Saudi magbibigay ng P30.5-B para bayaran ang 10,000 OFWs na hindi pinasahod | Bandera

Saudi magbibigay ng P30.5-B para bayaran ang 10,000 OFWs na hindi pinasahod

Pauline del Rosario - November 20, 2022 - 12:05 PM

Saudi magbibigay ng P30.5-B para bayaran ang 10,000 OFWs na hindi pinasahod

PHOTO: Facebook/Department of Migrant Workers

TILA magkakaroon ng maagang pamasko ang libo-libong displaced overseas Filipino workers (OFW).

Nangako kasi ang pamahalaan ng Saudi Arabia kay Pangulong Bongbong Marcos na magbibigay sila ng dalawang bilyong riyals o P30.5 billion upang mabayaran ang 10,000 OFWs na hindi sinahuran ng mga naluging kumpanya.

Ang magandang balita ay sinabi mismo kay pangulong Marcos ng prinsipe ng Saudi na si Mohammed bin Salman sa kanilang bilateral meeting na ginanap sa Asia-Pacific Economic Cooperations Summit sa Bangkok, Thailand.

Sabi pa ng presidente, “Napakagandang balita talag at pinaghandaan talaga tayo ni Crown Prince.

“Kaya’t sabi niya ‘yung desisyon na ‘yan ay nangyari lamang noong nakaraang ilang araw at dahil nga magkikita kami at sabi niya ito ‘yung regalo ko para sa inyo.”

Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac, kasalukuyan na nilang inaayos ang detalye kung sino-sino ang magiging benepisyaryo at proseso ng pagkuha ng pera.

Kabilang sa mga babayaran ng crown prince ay ‘yung mga OFW na nagtrabaho sa kompanyang Saudi OGer, MMG, Bin Laden group, at iba pang construction firms na nagdeklara ng bankruptcy.

Ayon din sa Department of Migrant Workers (DMW), kasama rin sa mga babayaran ay ang mga OFW na hindi sinahuran noong 2015 at 2016.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon ng deployment ban sa Saudi dahil sa mga ulat ng mga pang-aabuso at walang pasweldo.

Samantala, nauna nang ibinalita ni Migrant Secretary Susan Ople na may pinirmahang kasunduan ang Pilipinas at Saudi para tiyakin ang kapakanan ng mga OFW.

Sabi ni Ople, “First time, iba na ang kontrata. May insurance para sa domestic workers at sa skilled workers.

“Hindi na mauulit na uuwing walang sweldo ang mga OFW.”

Dagdag pa niya, “Hindi tayo basta lang magbubukas ng Saudi deployment na walang malinaw at matibay na pundasyon para sa proteksyon ng ating mga manggagawa.”

Related chika:

Hidilyn Diaz magbibigay ng suporta sa kanyang weightlifting community

Marian kering-keri pang magbuntis; hiniling na ipagdasal ang mga OFW

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ai Ai delas Alas pormal na nagpakita ng suporta sa tambalang Marcos-Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending