Marian kering-keri pang magbuntis; hiniling na ipagdasal ang mga OFW
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Zia at Sixto Dantes
“WHY not?!” Yan ang tugon ni Marian Rivera nang tanungin kung payag pa ba siyang magbuntis uli para magkaroon na ng kapatid ang mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto Dantes.
Ayon sa Kapuso Primetime Queen, pwedeng-pwede pa talaga nilang sundan ang bunso nilang anak pero aniya hindi pa raw nila ito pinaplanong mag-asawa.
“Siyempre, kapag masundan, sasabihin ko naman sa inyo. Siyempre, hindi pa. Kung ano ang ibigay ng Panginoon sa amin, tatanggapin namin ‘yan,” ang pahayag ni Marian sa ginanap na virtual mediacon ng GMA 7 para sa 4th anniversary celebration ng drama anthology niyang “Tadhana.”
Sabi nga ng celebrity mom, nakahanda naman siyang magdalang-tao uli para sa third baby nila ni Dingdong, “Why not? Hindi lang namin alam kung kailan. Pero talagang hoping pa ako for one last.
“Dalawa, okay na sa akin. Pero kung pagpapalain na bibigyan uli ng pagkakataon, why not, di ba?” aniya pa.
Samantala, todo ang pasalamat ng host ng “Tadhana” sa lahat ng manonood na patuloy na sumusuporta sa kanilang programa. Kundi raw dahil sa mga loyal viewers ng show ay hindi rin sila tatagal ng apat na taon.
Sabi ng Kapuso TV host-actress, malaki rin daw ang utang na loob nila sa mga kababayan nating OFW na nagtitiwala sa “Tadhana” na ibahagi ang kanilang mga kuwento sa publiko.
“Hindi ako nagtataka (na umabot sila ng four years) dahil napakaganda ng mga kuwento ng mga kababayan natin na talagang nakakapagbigay pag-asa sa atin at inspirasyon sa nakararami.
“Kaya siguro ito minamahal at tinatangkilik kasi ito ay kuwento ng bawat Filipino. Lahat tayo makaka-relate sa bawat kuwento ng Filipino na unique at for sure, may matututunan ka talaga,” pahayag ni Marian.
View this post on Instagram
At bilang bahagi nga ng pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo ng “Tadhana”, mapapanood na sa darating na Sabado, Nov. 13, ang episode na “Sa Ngalan Ng Ama.”
Ito’y pagbibidahan sina Gabby Concepcion, Eula Valdes, Thea Tolentino at Ariella Arida.
Nagbigay din si Marian ng mensahe para sa mga bayaning OFW na patuloy na nakikipaglaban sa buhay para maitaguyod ang kanilang mga pamilya sa gitna pa rin ng patuloy na banta ng pandemya.
Pahayag ng misis ni Dingdong, “Siyempre, mag-iingat sila palagi. Huwag lang sila mawalan ng pag-asa. Kakayanin natin ‘to. Lilipas din ito.
“At alam mo, mas magiging maayos tayo. Katulad ngayon, nakikita ko, nakikita na natin ang mga kababayan natin na nandu’n na sila. Niyayakap na nila kung anong meron tayo.
“Sabi ko nga, mas maganda siguro kung tulungan tayo. Maging positibo. Alam mo yung magtutulungan tayo sa kung ano mang hinaharap natin ngayon.
“Kasi, aminin man natin o hindi, mahirap naman talaga. Lalo na siguro ang mga taong nasa ibang bansa at hindi nila nakakasama ang pamilya nila.
“Siyempre, ang tanging magagawa natin ay ipagdasal natin sila na makaya nila at maging ligtas man sila kung nasaan man sila,” ang bahagi pa ng mensahe ni Marian para sa mga OFW.
https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.