Isko Moreno pumirma na ng kontrata sa GMA Sparkle

Isko Moreno pumirma na ng kontrata sa GMA Sparkle: ‘It’s good to be home’

Pauline del Rosario |July 22,2023
facebook
share this

Isko Moreno pumirma na ng kontrata sa GMA Sparkle: ‘It’s good to be home’

Pauline del Rosario - July 22, 2023 - 10:27 AM

Isko Moreno pumirma na ng kontrata sa GMA Sparkle: ‘It’s good to be home’

PHOTO: Facebook/Isko Moreno Domagoso

PARTE na ng talent management ng GMA na “Sparkle” ang TV host at dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.

Ibinandera mismo ni Isko ang bagong chapter ng kanyang career at ang pagpirma niya ng kontrata sa kanyang Facebook page noong July 20.

Makikita sa mga litrato na present sa naturang event ang ilang executives ng nasabing TV network, kabilang na sina GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes, Sparkle Vice President Joy Marcelo at Senior Talent Manager Tracy Garcia.

Kasabay din niyan ay mababasa sa caption na tila napa-throwback pa ang TV host-actor sa mga panahon na nagsisimula pa siya sa kanyang showbiz career.

“Sa bawat nagsasarang pinto may bintana na laging nagbubukas. Ngayong araw, isang bagong yugto ng kabanata na naman ang aking binuksan,” wika ni Isko sa FB.

Inalala pa niya ‘yung naging parte siya ng ilang iconic teen variety shows, ang “That’s Entertainment” at “GMA Supershow” na parehong pinangungunahan ng yumaong German Moreno.

Baka Bet Mo: Isko Moreno nagpasintabi sa TVJ bago sumalang sa ‘Eat Bulaga’, walang balak tapatan ang OG hosts

“Hindi kaila sa lahat na bago ako makilala, pumasok sa mundo ng serbisyo publiko, at pagkatiwalaan ng taumbayan, showbiz ang aking naging hagdanan at daan para makaahon sa kasadlakan ng aming buhay noon,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, “Ito ay sa pamamagitan ni Kuya Germs sa ‘That’s Entertainment’ at ‘GMA Supershow.’ Kaya, it’s good to be home…where I started and start over again.”

Kasunod niyan ay lubos niyang pinasalamatan ang nabanggit na network dahil muli nitong binuksan ang pinto para sa kanya.

Sey niya, “Masaya akong magbalik sa aking first love bilang ta-artits dahil malaki ang utang na loob ko sa industriyang ito.”

Na-excite naman ang maraming netizens at tila inaabangan na agad ang mga upcoming projects ng TV host.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I wish you all the best Yorme! You deserve all your success, ikaw lang ang pinoy celebrity na kayang makipagsalamuha sa elite at sa pinakamahihirap na Pinoy.”

“Deserving. You’re the role model to all artists, very humble, knows to be very grateful to everyone, and never changed.”

“It’s just the start. More blessings to come Yorme because you are a good man and you care for the people especially to the needy.”

Sa kasalukuyan, isa si Isko sa mga naging bagong host ng bagong bihis na “Eat Bulaga” sa GMA.

Kamakailan lang nga ay pumirma si Yorme kasama si Paolo Contis ng pang matagalang kontrata sa production company na TAPE Inc. 

Nangako ang dalawa na patuloy silang magbibigay ng saya sa publiko sa pamamagitan ng nabanggit na noontime show.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Padilla palaban na rin sa pagpapa-sexy; ‘Sparkle Fans Day’ bonggang Christmas treat ng GMA sa mga Kapuso

Alden loyal sa TVJ: Kahit ano pang mangyari ang suporta ko po ay nasa Eat Bulaga, mahalaga sa akin ang utang na loob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending