Alden loyal sa TVJ: Kahit ano pang mangyari ang suporta ko po ay nasa Eat Bulaga, mahalaga sa akin ang utang na loob | Bandera

Alden loyal sa TVJ: Kahit ano pang mangyari ang suporta ko po ay nasa Eat Bulaga, mahalaga sa akin ang utang na loob

Ervin Santiago |June 04,2023
facebook
share this

Alden loyal sa TVJ: Kahit ano pang mangyari ang suporta ko po ay nasa Eat Bulaga, mahalaga sa akin ang utang na loob

Ervin Santiago - June 04, 2023 - 07:22 AM

Alden loyal sa TVJ: Kahit ano pang mangyari ang suporta ko po ay nasa Eat Bulaga, mahalaga sa akin ang utang na loob

Alden Richards, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

WALA pang kasiguruhan kung patuloy pa ring mapapanood ang Asia’s Multimedia  Star na si Alden Richards sa bagong “Eat Bulaga” na inaasahang magsisimula bukas, June 5.

Hindi kasama si Alden sa mga nag-resign sa longest-running noontime show sa bansa dahil hindi naman siya contract artist ng TAPE, Incorporated na siyang producer ng “Eat Bulaga.”

Sa GMA Network at Sparkle Artist Management nakakontrata si Alden kaya hindi siya kailangan mag-resign sa kontrobersyal na programa na patuloy na pinag-uusapan ngayon mula Batanes hanggang Jolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maraming nag-react sa Instagram post ni Alden tungkol sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang Dabarkads kalakip ang kanyang dramatic photo na may malaking logo ng “EB” sa kanyang background.

Ang nasabing litrato ay kinunan ng kapwa niya Dabarkads na si Ryan Agoncillo, na may caption na, “Always and forever.”

Karamihan sa mga nag-comment sa post ng Pambansang Bae ay nagtatanong nga kung isa si Alden sa mga magiging main host ng bagong version ng “Eat Bulaga” kasama ang mga Sparkle talents.

May mga nagsabing hindi raw dapat pumayag si Alden kapag kinuha siya uling host ng “Eat Bulaga” for delicadeza pero meron namang naniniwala na  trabaho lang at walang personalan sakaling tanggapin (kung meron man) ng aktor ang offer ng TAPE.

Baka Bet Mo: Rayver Cruz ayaw makisawsaw sa isyu ni Liza Soberano; Rhea Tan 5 taon nang nakikipag-collab sa Sparkle ng GMA

Ayon kay Nanay Cristy Fermin sa episode ng “Cristy FerMinute”,
nakapag-usap sila ni Alden sa pamamagitan ng text message patungkol sa issue ng TVJ at ng TAPE.

“Balita po pag Sabado ay magbubuo (ang TAPE) ng isang programa na ang lalabas ay mga artista ng Sparkle GMA Artist at ipinagpapaalam daw si Alden Richards,” pahayag ni Nanay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Narito ang sagot ni Alden nang hingan siya ng reaksyon ni Nay Cristy, “Nagulat po ako Nay, hindi ko po ine-expect ‘yung mga pangyayari kahapon.

“Pero kahit ano pang mangyari ang suporta ko po ay nasa Tito, Vic and Joey at Eat Bulaga,” sabi ng binata sa kanyang text message sa veteran columnist at radio host.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Kagaya n’yo po mahalaga po sa akin ang loyalty at utang na loob. Hindi po magbabago ‘yun.”

Sabi naman ni Nay Cristy kay Alden, “Maraming salamat sa magandang puso mo napakahalaga talaga ng mga sinabi mo at salamat dahil hindi ka pinagbabago ng kasikatan, ng panahon at kayamanan.”

Matatandaang sumikat nang bonggang-bongga si Alden nang pumatok ang Kalyeserye nila ni Maine Mendoza sa “Eat Bulaga” kung saan naging phenomenal nga ang tambalang ALDub.

Base sa mga nabasa naming comments sa social media, maraming nagpayo kay Alden na huwag na huwag papayag kapag kinuha ng TAPE para manatili sa “Eat Bulaga.”

“Magmumukhang Sunday pinasya everyday pag sparkle ang mag host hahahahaha mukha silang tanga lang.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Showtime nalang aq manunuod kesa s mga sparkle papalit nla gudlock s knla.”

“KASIRAAN NG SPARKLE IYAN, NAKOW! BAD IMAGE PAG SILA PUMALIT LAGOT NA! MALALAOS AGAD.”

“Mababash yan sa sabado panigurado.”

“HELLLOOOO SINO ANG SPARKLE ARTIST NAYAN.? HAHAHA.. MGA BAGUHAN LNG YAN. HAAY NAKU.”

“Sino sino sa mga gma sparkle ilalabas sa eb sa sabado?”

Bukod sa TVJ, nag-resign din sa TAPE sina Maine, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon at Ryan Agoncillo.

Kylie Padilla palaban na rin sa pagpapa-sexy; ‘Sparkle Fans Day’ bonggang Christmas treat ng GMA sa mga Kapuso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

8 Kapuso celebs napili bilang banner stars ng Sparkle; handa nang sumabak sa mga hamon ni Mr. M

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending