Camille kinuwestiyon ang pagiging nanay habang nasa Vietnam

Camille kinuwestiyon ang pagiging nanay nang ipasyal ang anak sa Vietnam

Ervin Santiago - March 12, 2024 - 07:50 AM

 

Camille kinuwestiyon ang pagiging nanay nang ipasyal ang anak sa Vietnam

Camille Prats at Nala Yambao

KINUWESTIYON ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats ang kanyang pagiging nanay nang dalhin niya ang anak na si Nala sa Vietnam.

Nag-girls trip ang mag-ina recently sa ilang tourist destinations sa Vietnam bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Ibinahagi ni Camille sa kanyang Instagram account ang ilang litrato ng anak nila ni VJ Yambao na kuha sa Train Street sa Hanoi, Vietnam.

Ayon sa aktres at celebrity mom, na-feel niya na parang hindi nagustuhan ng kanyang anak ang na-experience sa kilalang tourist destination.

Baka Bet Mo: Pokwang minsan na ring kinuwestiyon si Lord: Sabi ko sa Kanya, bakit Mo ginawa sa akin ‘to?

“I’m not sure if @nalacamilla liked this experience medyo napa question din ako sa sarili ko bilang isang nanay kung tama ba tong ginawa namin,” ang bahagi ng kanyang caption.

Makikita sa naturang lugar ang mga open-air cafes, na isa sa talagang pinupuntahan at binabalik-balikan ng mga turista.

Bukod dito, patok din sa Train street ang  pagdaan ng rumaragasang tren na ilang metro lang ang layo sa mga taong pumupunta roon.

Hinikayat pa ni Camille ang kanyang IG followers na panoorin ang video nila ni Nala kung saan makikita nga ang kanilang naging reaksyon habang dumadaan ang tren sa kanilang harapan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)


Marami ang nagkomento na napakatapang pala ni Nala dahil kahit 6-years old ay talagang nagawa niyang panoorin ang umaandar na tren.

“Parang totoong eksena sa teleserye or movie, Mars! Titibay na si Nala! Kaya na nya harapin ang mga hamon sa buhay!”

“Nung highschool ako nadaan pa ang tren don sa san pedro, im not sure kung running na ulet. Pero may palengke din don. At magic pag dadaan ang tren naliligoit lahat. Pag lagpas ng tren, tuloy ang negosyo. Parang walang nangyare. Hehehe! Tapos sa ibang bansa pala tourist spot yun lol. Ingat po kayo sa travel.”

“Ay swerte nyo meron train, kami nun last year around May walang day train sa gabi lang.”

“@camilleprats mas na shookt kapa kay Nala , ahaha parang nairita lang ung reaction ni Nala.”

“It was indeed a nice experience. But for safety reasons, not wise.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ang ilang reaksyon ng mga IG followers ni Camille about their thrilling and dangerous experience sa Hanoi, Vietnam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending