Jo Berry may nadiskubre kay Camille Prats: 'Totoo pala 'yung tsismis about you...at napatunayan ko na 'yun' | Bandera

Jo Berry may nadiskubre kay Camille Prats: ‘Totoo pala ‘yung tsismis about you…at napatunayan ko na ‘yun’

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Jo Berry may nadiskubre kay Camille Prats: ‘Totoo pala ‘yung tsismis about you…at napatunayan ko na ‘yun’

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 07:32 AM

Jo Berry may nadiskubre kay Camille Prats: 'Totoo pala 'yung tsismis about you...at napatunayan ko na 'yun'

Jo Berry at Camille Prats

NAPATUNAYAN ng Kapuso actress na si Jo Berry na totoo pala talaga ang mga naririnig niyang tsismis tungkol kay Camille Prats.

Magkasama ngayon sa upcoming drama series ng GMA 7 na “Lilet Matias: Attorney-at-Law” sina Jo at Camille kaya naman mas nakilala pa raw nila ngayon ang ugali at personalidad ng isa’t isa.

Ayon kay Jo, natuklasan niya na totoo pala ang mga naririnig at nababalitaan niyang mga kuwento tungkol sa ugali ni Camille sa likod at harap ng mga camera.

Rebelasyon ng dalaga, true raw pala talaga ang tsismis na isa raw ang TV host-actress sa mga pinakamabait at marespetong artista sa mundo ng showbiz.

Ito’y matapos ngang ibandera ni Camille sa social media ang isang mensahe na ibinigay sa kanya ni Jo nang mag-taping sila para sa naturang project.

Baka Bet Mo: Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, talagang pinuri-puri ni Jo si Camille at sinabing napakabuti nitong tao at katrabaho.

“Thank you so much for your kindness.

“Totoo ‘yung chismis about you na napakabuti mo. Napatunayan ko na ‘yun. It was a pleasure working with you,” mensahe ni Jo kay Camille.

Sagot naman ng aktres at TV host, “You are the sweetest @thejoberry. So happy we finally got to work together. I am inspired by your positive spirit and your contagious laughter that resonates throughout the entire room.

“Keep flying high Atty. Lilet Matias! First case closed!” dugtong pa niya.

Bukod kay Camille, ka-join din sa “Lilet Matias: Attorney-at-Law” sina Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Hannah Arguelles, Sheryl Cruz, Glenda Garcia, Teresa Loyzaga, Jason Abalos, EA Guzman, Ariel Villasanta at marami pang iba.

* * *

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapusong Dabawenyo sa GMA stars na naki-join sa fun celebration ng Araw ng Sta. Cruz na ginanap sa New Government Center, Sta. Cruz, Davao last week.

Sinalubong ng masigabong palakpakan at hiyawan ang cast ng upcoming GMA Afternoon Prime drama na ‘Stolen Life’ na sina Carla Abellana, Beauty Gonzales, Anjo Damiles, at Jeric Gonzales last October 5.

Baka Bet Mo: Jo Berry pinatunayang hindi lang ‘binabatuk-batukan’, ‘pangperya’ ang mga little people

Tuwang-tuwa ang mga naroroon dahil talaga namang G na G ang mga GMA stars sa pagbabahagi ng kanilang oras at talento sa mga dumalo at nakisaya sa Kapuso Fiesta.

Samantala, kilig naman ang nadama ng mga kandidata ng Mutya ng Santa Cruz matapos silang haranahin ni Christian Bautista last October 4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At may kasunod pa nga, mga Kapuso! Magkakaroon din ng Kapuso Mall Show si Carla at “Stolen Life” co-star na si Gabby Concepcion, kasama si “Sparkle U Frenemies” star Zephanie, sa Vista Mall, Balanga City, Bataan this October 20, 4 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending