Camille Prats, Suzi Entrata-Abrera sang-ayon ba sa divorce?

Camille Prats, Suzi Entrata-Abrera sang-ayon ba sa ‘divorce’ sa Pilipinas?

Pauline del Rosario - July 04, 2024 - 05:15 PM

Camille Prats, Suzi Entrata-Abrera sang-ayon ba sa ‘divorce’ sa Pilipinas?

PHOTO: Instagram/@mars_suzi

NAGPAHAYAG ng sariling opinyon ang TV hosts na sina Camille Prats at Suzi Entrata-Abrera kaugnay sa diborsyo dito sa ating bansa.

Ito ay matapos silang mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda” at tanungin tungkol dito.

Ayon kay Suzi, sakaling hindi maging legal ang divorce ay dapat magkaroon ng batas ang lahat ng anyo ng pang-aabuso.

“Criminalize abuse,” sambit niya. 

Patuloy niya, “If that is the reason why you guys are together, tapos ‘di ka makawala kasi walang divorce.”

Dagdag pa ni Suzi, “All forms. Kasi usually physical lang eh, pero hindi, pati mental, emotional.”

Baka Bet Mo: Camille Prats binigyan ng purity ring ang anak, pero para saan ba yarn!?

Para naman kay Camille, bukod sa pagiging debotong Kristiyano, hindi siya sang-ayon sa divorce dahil may epekto ito sa mga anak.

“For me, kasi, I come from a place, as much as possible, I want sana na hindi magkaroon ng divorce,” sambit niya sa King of Talk na si Boy Abunda.

Paliwanag niya, “Because I see the children suffering from that.”

“Parang ngayon kasi kapag ka laging ganun ‘yung pag-isip natin sa mag-asawa na that’s always an option, then whoever we find in life, ‘di naman perpekto ‘yung tao na ‘yun eh,” aniya pa habang iginigiit na ang diborsyo ay isang “mutual” na desisyon.

Wika pa niya, “Kasi iba rin naman kapag babae lang ang nakikipaglaban pero ayaw naman ng asawa mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, nauna nang nagbigay ng opinyon ang ilang celebrities na sina Anne Curtis, Maxene Magalona, Claudine Barretto at Janice de Belen na approve sa nasabing divorce bill.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending