Camille Prats sa pagkamatay ng unang asawa: I remember being so lost, hindi ako makapaniwala na nasa ganoon akong sitwasyon | Bandera

Camille Prats sa pagkamatay ng unang asawa: I remember being so lost, hindi ako makapaniwala na nasa ganoon akong sitwasyon

Ervin Santiago |November 07,2022
facebook
share this

Camille Prats sa pagkamatay ng unang asawa: I remember being so lost, hindi ako makapaniwala na nasa ganoon akong sitwasyon

Ervin Santiago - November 07, 2022 - 10:27 AM

Camille Prats

MARAMING rebelasyon ang Kapuso TV host at aktres na si Camille Prats tungkol sa kanyang personal na buhay nang magkachikahan sila ni Rica Peralejo kamakailan.

Mapapanood ito sa YouTube vlog ni Rica na may titulong “Camille Prats on losing husband, remarrying, fitness, submission.” Habang nasa workout session, super chikahan ang magkaibigan about different topics.

Sa isang bahagi ng video, nag-open up nga si Camille tungkol sa mga karanasan niya sa buhay nang maging balo sa edad na 31. Taong 2011 nang mamatay ang unang asawa niyang si Anthony Linsangan dahil sa nasopharyngeal cancer.

“I remember being so lost. Hindi ako makapaniwala na nasa ganito akong sitwasyon. Like everyday it felt like waking up in a dream,” simulang kuwento ni Camille.

Pagpapatuloy pa niya, “Nu’ng nabuntis kasi ako kay Nathan, medyo parang kinuwestion ko si God na, ‘Why me?’ I was at the peak of my career.

MARAMING rebelasyon ang Kapuso TV host at aktres na si Camille Prats tungkol sa kanyang personal na buhay nang magkachikahan sila ni Rica Peralejo kamakailan.
“Halos hindi ka natutulog, hindi ka nagpapahinga sa trabaho tapos biglang buntis ka. So when Anthony got sick, I got my answer to why I got pregnant two or three years back nu’ng nagkasakit siya,” lahad ng aktres.

Dugtong pa ni Camille, “I get na why I had Nathan early on. Maybe it was because to have Anthony experience how it was to be a dad. Na even for just a short while, he was able to experience how it is to be married and to have a family.

“So I think that’s my purpose in his life. Ang alam ko lang, lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan and I was really just holding on to that reason kung bakit siya nangyari,” aniya pa.

Sabi pa ni Camille, hindi naging madali ang kanyang pagmu-move on at ang naging sandalan niya raw sa buong proseso ng healing ay ang Diyos.

“Ang natatandaan ko noon is that this was also the time that I started transitioning from being a Catholic into being a Christian.

“So I started reading the bible, I enjoyed doing my devos and there was a time na alam mo, nagtu-toothbrush lang ako, ‘yun pala ‘yung ano ‘nun na kapag naggi-grieve ka, hindi ka iyak nang iyak gabi-gabi na parang heartbreak, it will strike you in moments when you’re not prepared,” sabi pa ng Kapuso star.

Naikuwento rin niya ang tungkol sa masayang pagsasama nila ngayon ng kanyang second husband na si VJ Yambao. Magkakilala na sila ni VJ noon pang nasa grade two sila.

“He was my seatmate (sa school) and kaya siya tumatak sa akin kasi ang bait niya sa akin. I was doing Sarah (Ang Munting Prinsesa) at that time so siyempre laging absent.

“Papasok ako sa school kulang-kulang yung gamit ko. And he would always give me a pad paper or whatever it is I was needing,” pag-alala pa ng aktres.

Nagpakasal sina Camille at VJ noong 2017 at biniyayaan na ng dalawang anak, sina Nolan at Nala. May isang anak din si VJ sa dati niyang karelasyon.

Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam

Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang ‘traumatic’ experience noong teenagers pa sa showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending