Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa 'It's Showtime'? | Bandera

Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?

Therese Arceo |November 13,2021
facebook
share this

Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?

Therese Arceo - November 13, 2021 - 03:48 PM

Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa 'It's Showtime'?

KASALUKUYANG dinudumog ng mga “Marites” ang naging comment ni Kuya Kim Atienza sa shared post ng kanyang co-host sa “Mars Pa More with Pars Kim Atienza” na si Camille Prats.

Shinare kasi ni Camille ang post ng kanyang kapatid na si John Prats patungkol sa pagiging isa sa mga direktor nito sa longest running drama/action series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“Kuya ko yan!!!!!” proud na saad ni Camille.

Nag-comment naman si Kuya Kim at sinabing “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

Marami naman sa mga netizens ang napataas ng kilay dahil tila may laman ang komento ng dating Kapamilya host.

“huy sandali kuya kim!! Galing si JP sa it’s showtime parang sinasabi mo ba na sakit sa ulo ang showtime?” tanong ng isang netizen.

“sakit ng ulo? Deritsahin muna kaya mention yan kuya kim parang my something ang lalim ng salita mo eh,” comment pa ng isa.

“Parang katulad Kadin Po Nung isang director na umalis Ng showtime kukuda na pag Wala na sa show Nila backstabber Kadin koloka! Lalaos Kadin back to you thank you,” hirit pa ng isa.

Matatandaang napabalita noon ang pogiging parte ni John Prats bilang bagong permanent director ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” kung saan dating parte si Kuya Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

Nag-trending pa nga noon si John na sinuong pa ang baha para lamang makapasok ang show para sa launching ng “Madlang Pi-Poll” segment ng show.

Marami naman ang natuwa sa naging improvement ng show nang humalili si John bilang direktor.

Ngunit dahil kinakailangan nitong mag-lock in taping para sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay pansamantala muna itong namaalam sa “It’s Showtime”.

Nakatakda dapat na maging opisyal na direktor ng noontime show si John ngunit dahil siguro sa hectic schedule at layo ng taping location ay hindi na ito natuloy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero talagang mapagbiro ang tadhana dahil hindi man siya natuloy sa pagiging direktor ng “It’s Showtime” ay matutuloy pa rin nito ang pagdidirek at sa sarili niya mismong teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” pa.

Pero ano nga kaya ang ibig sabihin ni Kuya Kim sa kanyang comment? Patutsada nga kaya ito sa dating kinabibilangang show tulad ng sinasabi ng mga netizens?

Bukas naman ang BANDERA para sa iyong magiging pahayag para sa kalinawan ng isyung ito, Kuya Kim.

Related Chika:
John Prats direktor na sa ‘Ang Probinsyano’; di na tutuloy sa ‘It’s Showtime’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending