Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang 'traumatic' experience noong teenagers pa sa showbiz | Bandera

Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang ‘traumatic’ experience noong teenagers pa sa showbiz

Therese Arceo |August 13,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang ‘traumatic’ experience noong teenagers pa sa showbiz

Therese Arceo - August 13, 2022 - 05:15 PM

Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang 'traumatic' experience noong teenagers pa sa showbiz
MULING binalikan ng magkaibigang sina Angelica Panganiban at Camille Prats ang kanilang mga experiences noong nagsimula sila bilang child stars sa showbiz.

Sa YouTube vlog ni Camille ay muling nag-bonding ang magkaibigan habang nagpe-prepare sila ng kanilang iluluto.

Una nga nilang binalikan ang mga ganap nila noong kinukunan ang mga pelikulang “Sarah: Ang Munting Prinsesa” at “Ang Prinsesa at Ang Pulubi”.

Bata pa man ay close na talaga sina Angelica at Camille dahil sa mga proyektong pinagsamahan at talaga namang hindi mapaghiwalay ang dalawa kahit na kapag pupunta sila sa CR para umihi.

Kuwento ni Camille, takot raw talaga ang kaibigan sa ipis at isa sa mga hindi niya malilimutan ang moment kung saan napatili si Angge nang makakita ng ipis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)

Marami pa ang napagkuwentuhan nilang dalawa gaya ng mga pag-uusap na huwag magpapadala sa sinasabi ng iba kapag pinag-aaway sila noong mga bata hanggang sa napunta na nga ang kwentuhan noong sumapit ang kanilang pagiging teenagers.

Parte sina Angelica at Camille ng “G-mik”, isang Kapamilya youth-oriented show noong late 90s hanggang early 2000s kasama sina John Prats, Heart Evangelista, Carlo Aquino, Anne Curtis, at marami pang iba.

Si Camille ang unang nag-open up ukol sa palaging pagtawag ng pansin nila noon sa tuwing nadaragdagan ang kanilang timbang.

Sinang-ayunan rin ito ni Angelica at inalala na minsan pa nga raw ay hindi siya pinag-taping dahil rito.

“Sis, hindi nila ako pinag-taping, di ba? May isang taping hindi na ako… parang, ‘Pahinga muna siya ngayon…’ para daw matauhan ako sa katawan ko,” pagbabahagi ni Angge.

Noong mga panahon na ‘yun ay nasa edad 14-16 years old lamang sila kaya naman hindi nila lubos na naiintindihan kung bakit nagiging isyu ito.

Aminado rin sina Angelica at Camille na may dalang trauma sa kanila ang palaging paninita sa kanilang katawan na dinala nila hanggang sa lumaki na sila.

“Medyo masakit yun, ano. Parang growing up, alam mo may trauma siya, ha.

“Hanggang ngayon parang, like may check-up ako dahil buntis ako. Sasabihin, ‘O, nagi-gain ka ng weight, hindi okay,’ nasasaktan ako,” kwento ni Angelica.

Pagpapatuloy niya, “Yung atake sa akin parang may mali talaga akong nagagawa kapg sinasabi sa akin na malaki ako ngayon. Parang I take it personally kapag sinasabi ‘yun sa akin kasi nga ganon ako lumaki. Tumatak siya sa akin, may stigma…”

Segunda ni Camille, “Na-realize ko issue pala siya sa akin. Hindi ko na-realize na all this time pala, struggle ko pala siya.”

Happy naman sina Angelica at Camille na ngayon ay wala nang ganitong isyu sa industriya lalo na’t malaki talaga ang nagiging epekto nito sa artista maging sa kanilang nagiging pananaw sa buhay.

Related Chika:
Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban bigla na lang umiyak habang namamasyal sa Thailand kasama si Gregg Homan…anyare, ghorl?

Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending