Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko Bandera

Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Therese Arceo |June 12,2022
share this

Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Therese Arceo - June 12, 2022 - 12:43 PM

LABIS ang kasiyahan ng aktres na si Angelica Panganiban at ng kanyang non-showbiz dyowa na si Gregg Homan matapos nilang malaman ang gender ng kanilang magiging panganay.

Sa kanilang YouTube vlog na ipinalabas nitong Sabado ng gabi, June 11 ay ibinahagi nila sa madlang pipol ang magandang balita.

“You guys are having a baby girl!” saad ng doktor na nag-check kay Angelica.

Naluha naman si Angge sa saya dahil baby girl talaga ang gusto nilang mag-asawa at ipinagkaloob nga sa kanila ng Diyos ang kanilang hinihiling.

“Answered prayer. Secretly, ito ang pinagpe-pray ko. Ang saya! Hindi ako makapaniwala,” dagdag pa ni Angelica.

At habang papunta nga sila sa venue kung saan gaganapin ang kanilang intimate gender reveal ay masaya silang nagkukulitan ng partner sa sasakyan habang nag-iisip sila ng magandang pangalan para sa kanilang anak.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

 

Pabirong saad ni Angelica, “Maganda rin ‘yung Halalahee Halalahoo Homan.”

Dagdag pa niya, “Ang gandang bata no pero ganoon ang pangalan niya.”

Labis naman ang saya ng kanyang pamilya pati ng malapit nitong kaibigan na si Glaiza de Castro nang malaman na baby girl ang bagong magiging parte ng pamilya Homan.

Matatandaang nitong March 2022 nang ianunsyo ni Angelica na siya ay nagdadalang tao sa kanilang panganay ni Gregg.

‘“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis,” ang excited na saad ni Angge.

2021 naman nang ibahagi ni Angelica ang kanilang relasyon ni Gregg ngunit naging sila noong July 2020.

Related Chika:
B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Angelica Panganiban pinasok na ang pagba-vlog, ikinuwento ang love story nila ni Gregg Homan

Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending