B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin! Bandera

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Reggee Bonoan |September 07,2021
share this

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Reggee Bonoan - September 07, 2021 - 04:22 PM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

ANG kasalukuyang karelasyon ngayon ni Angelica Panganiban na si Gregg Homan ang sagot daw sa lahat ng mga tanong niya noon sa sarili.

Ito ang laman ng mensahe ng aktres sa kaarawan ni Gregg na ipinost niya sa kanyag Instagram account kalakip ang mga larawan nila.

Ang caption ni Angelica, “Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nagbigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon.

“Maligayang bati sa ’yong kaarawan mahal ko. Araw araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin.”

Umapaw naman ng pagbati mula sa mga kaibigan ni Angelica sa showbiz tulad ni Angel Locsin na nagsabing, “Masaya ako for you ganda (emoji heart). Happy birthday!”

Tatlong puso naman ang komento ni Bea Alonzo sa kanyang IG post.

Maraming heart emojis naman ang comment ni Angeline Quinto.

Sabi ni Kathryn Bernardo, “Wow.”

Tatlong puso rin ang ipinost ni Paulo Avelino para sa kaibigan.

Galing naman sa bestfriend for life ni Angelica na si Kim Chiu, “Happy birthday greg!! (heart emojis) happy super for my momsy!  @iamangelicap.”

Anim na puso naman ang naging komento ni Julia Montes sa lovelife hugot ni Angelica.

Mensahe ni Agot Asidro, “Happy Birthday Gregggg! Miss you both (heart emojis).”

Sa huling panayam kay Angelica, sinabi niyang ayaw na niyang gumawa ng teleserye dahil gusto na niyang asikasuhin ang personal niyang buhay bagay na ini-enjoy niya ngayon.

Kaya ang tanong ng lahat, “Kailan ang kasal?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending