Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita Bandera

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Ervin Santiago May 29, 2022 - 06:21 AM

Gregg Homan

“NAGWAGI ang kakulitan ko!” Ito ang bahagi ng naging pahayag no Greg Homan sa style ng panliligaw na ginamit niya para mapasagot si Angelica Panganiban.

Inamin ni Gregg na hindi talaga niya gusto ang makipag-meet (blind date) noon kay Angelica dahil inaatake siya ng hiya at wala naman das katotohana na hindi siya interesadong makikila ang Kapamilya actress.

Sa kauna-unahang vlog ni Angelica sa YouTube, humarap sila ng kanyang live-in partner sa madlang pipol para magkuwento tungkol sa pagsisimula ng kanilang love story.

Nitong nagdaang Martes, May 24, in-upload ni Angelica ang first vlog sa kanyang YouTube channel na  The Homans at dito nga sila nagkuwento ni Gregg about their relationship.

“First time namin. Obviously, wala kaming vlog. Hindi kami mahilig sa mga ganito. Sobrang private ng buhay namin. Lalong lalo na nung na-meet ko si Gregg kasi hindi naman siya taga-showbiz.

Mahiyain siya. Akala niya mahiyain siya pero makulit talaga yan,” simulang pahayag ni Angelica.
Si Cherry Pie Picache pala ang dahilan kung bakit sila nagkakilala sa lock-in taping ng teleserye nila noong 2021 sa Subic, Zambales.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“Nagkakilala kami habang ginagawa ko yung teleseryeng Walang Hanggang Paalam. Unang-una pa lang, supposedly magmi-meet kami December ng 2018. Hindi lang kami natuloy dahil nasa New Zealand siya tapos parang hindi siya interesado sa akin.

“Nagkaroon kami ng chance nu’ng 2020 dahil yung location ng Walang Hanggang Paalam ay dito mismo sa Subic kung saan taga-dito talaga si Gregg. Si Cherry Pie yung may kakilala sa kanya and kilala sa akin na nangungulit na, ‘Sige na, game na. Mag-meet na kayong dalawa.’

“Nu’ng una, ayoko talaga. Kasi, hindi naman jaded pero parang tamad na ako sa mga dating dating, parang hindi na ako interesado.

“Masaya naman na ako na single eh. Para lang matahimik lang noon si Ms. Pie, pumayag na ako na makipag-meet sa kanya. Du’n nag-start yun,” pag-alala ng aktres at future mommy.

Dumepensa naman si Gregg at sinabing hindi totoong hindi siya interesado kay Angge kasabay ng pagkukuwento sa unang pagkikita nila sa Lighthouse resort sa Subic.

“That’s not true (not interested). I just felt like I didn’t have anything in common with an actress. I felt like I didn’t know what I would talk about. I was more nervous than anything else. Ha-hahaha! But I’ve heard your name. I’ve seen you in magazines. Particularly sexy magazines (natawa uli).

“When I saw you for the first time, you made me try taping food which I pretended to really like. It was pancit and really, really soggy lumpia and I said how good it tasted. And you told me how you were struggling to get decent food in Subic. So that was my in, asking her what type of food she liked.

“When I found out a couple of days later, I sent some food over to the hotel for the whole crew. I knew at one point she would have to thank me and I would get her number. Makulit na ako na makulit. So eventually nagwagi yung kakulitan ko,” dire-diretsong chika ni Gregg.

Kahit bago pa lang silang magdyowa, pinag-uusapan na raw nila talaga ang pagkakaroon ng baby, “Sobrang happy natin nu’n. Pinag-usapan na natin na kapag going strong lang talaga yung relationship natin, try natin magkaroon ng baby.

“Feeling ko du’n ko naramdaman na worth it ang lahat kasi wala akong naramdamang takot nu’ng pinag-uusapan namin about building a family together. Parehas namin siyang gusto. Mas hindi kami sa marriage, mas hindi yun ang pinag-uusapan namin,” sey ng aktres.

At nang malaman nga nilang magkakaroon na sila ng baby, “Feeling ko mas nakatulong yun na hindi na ako stressed about it. Parehas kaming hindi stressed. Dati kasi pag fertile ako pauuwiin ko talaga siya ng bahay. Ha-hahaha! Kaya ko nalaman.

“Dahil din papasok ako ng work, gusto ko ma-check na yung box na yun na nag-pregnancy test na ako para ma-rule out ko yung pregnancy. So siyempre talaga namang kinagulat ko na buntis ako.

“Talagang halo-halo emotions. Parang kahit ano palang sabihin niyo na ready ka, pinag-pray mo, ang tagal niyong sinubukan, pagdating na dumating na yung dalawang lines, manginginig pala talaga yung katawan mo. Hindi mo alam kung talaga bang ready ka,” chika pa ni Angelica.

Patuloy pang kuwento ng aktres, “Si Gregg ang pinaglilihian ko. Sobrang arte ko ngayon! Hindi pa ako naging ganito kaarte buong buhay ko. Aalis lang siya papunta sa work which is seven minutes away dito kung saan kami nakatira, umiiyak ako lagi.

“As in ang sakit-sakit sa akin pag hindi ko siya nakikita. Nagdidilig lang siya ng halaman sa labas, nasa-sad ako. Yung bakit ang layo mo? I think si Gregg talaga yung pinaglilihian ko,” natatawa pang sey ni Angge.

Sa huling bahagi ng vlog, sinagot ni Angelica ang tanong ng isang netizen kung tuluyan na ba niyang iiwan ang showbiz kapag nanganak na siya.

“Kung ninamnam ko nga yung pagsusuka ko, siyempre nanamnamin ko yung pagiging ina ko, di ba? I-enjoy ko naman muna, 30 years din naman ako sa industriya, parang ang dami ko ng naiambag.

“Siguro ngayon na hinihingi na nu’ng life yung mag-focus naman ako sa aking family dahil sobrang blessed ko na magkaroon ako ng tinatawag na pamilya ngayon di ba. Gusto ko dun ako mag-focus. Gusto kong ibigay ang lahat ng oras ko du’n.

“Kasi si Gregg babalik din ng work. Tututukan ko muna yung baby. Pero pag kaya ko na ha, hindi ng bata ah, pag kaya ko ng iwan siya, siguro babalik na ako ng work,” esplika ni Angelica.

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Angelica nahirapan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Susuka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo…para akong kinikiliti!

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending