Rica naloka, napagkamalang ‘batang-kalye’ ang anak: ‘Di naman ako na-offend!
NAKAKALOKA pero nakakatawa ang latest social media post ng celebrity mom na si Rica Peralejo.
Paano ba naman kasi, napagkamalang batang-kalye ang kanyang anak na si Manu habang sila ay kumakain sa isang susyal na restaurant.
Sa Instagram Stories, ikinwento ni Rica ang buong pangyayari at may kasama pa itong mga pictures.
“True story na we were seated here when the server asked us if kasama namin si Manu. Akala nya ata he is a street kid na disturbing us. And I think I know why…,” bungad ng aktres.
“Ganito kasi itsura niya,” caption ni Rica na ipinapakita ang photo ng anak na parang naka-pambahay lang at may dala pang stick na parang kinuha lang sa puno.
Baka Bet Mo: Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids
“May dala [siyang] stick inside a fancy resto with his play clothes and Birks na syempre may duming bata! Eh medyo fancy yung place so akala yata nila he cannot be dining with us,” ang kwelang kwento pa ni Rica.
Dagdag niya, “‘Di naman ako na-offend kasi sa totoo lang mukha talaga siyang batang naglaro sa kalye at sa totoo lang din hindi namin alam na fancy pala ‘yung pipiliin for dinner ng mga friends namin. kaya medyo sobrang casual lang namin pamilya hahahaha.”
“Nakacrocs at birks lang talaga kami eh. Yung mga kasamahan namin naka-Burberry and maarte fair items. kami mukhang nag-overlanding,” ani pa niya.
Kung maaalala, dati nang chinika ni Rica ang ilan sa mga rason kung bakit gustong-gusto niya ng magulong bahay.
Ang una raw ay hinahayaan niyang maglaro nang magdamag ang kanyang mga anak na lalaki upang mahubog ang pagiging malikhain nila.
Ang ikalawa, nais niyang matutong magligpit ang kanyang mga anak bukod pa sa hindi na niya afford na magkaroon ng maraming helper.
At ang huling dahilan ng aktres ay dahil ito raw ang sign na kasama pa rin niya ang kanyang mga anak.
Saad niya, “Alam niyo kahit ang ganda ganda talaga tingnan ang isang maayos na bahay, for some reason kapag nakikita ko na magulo siya, feeling ko sign of life siya.”
“At actually gusto ko siya kasi ibig sabihin, nasa akin pa ang mga anak ko at hindi ko alam kung masyado lang ba ako nag-iisip,” ani Rica.
“Pero one day, hindi na magiging ganun ang bahay ko…Wala nang halos kailangang ayusin kasi ibig sabihin, may kanya-kanya ng buhay ang mga anak ko,” chika pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.