Camille Prats shookt sa sinabi ng anak: ‘I’m gonna tell you something… being a mommy and daddy is hard!’
TUNAW na tunaw ang puso ng Kapuso actress at TV host na si Camille Prats matapos ang makabagbag-damdaming usapan nila ng kanyang anak na si Nala.
Hindi makapaniwala ang celebrity mom na sa murang edad ay magkakaroon na sila ng tagos sa pusong chikahan na talaga namang nagpaantig sa kanyang puso’t isipan.
Sa kanyang Instagram page, nag-share si Camille ng ilang litrato nila ni Nala na kuha sa pagbisita nila sa isang water park sa Palawan. Kalakip nga nito ang naging conversation nila ng bagets.
Sabi raw ni Nala sa kanya, “Mommy I’m gonna tell you something, being a mommy and daddy is hard.” Kaya naman ang nahihiwagahang tanong ni Camille sa anak ay, “Why?”
View this post on Instagram
Ang sagot daw ni Nala sa kanya, “Because you have to use discipline stick when Nolan and I do something that’s not good and then you will be sad… but, you are the best mommy and daddy in the world coz you bring us here.”
Ang smiling face with tears emoji na inilagay ni Camille sa kanyang IG post ang nagsasabi kung gaano siya kasaya nang marinig ang sinabi ni Nala.
Baka Bet Mo: Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?
Sabi pa ng aktres sa kanyang post, “Hearing this from her makes my heart melt. Savoring every magical moment with you guys and looking forward to more adventures with you while we still can.”
Nauna rito, nag-post din si Camille ng isang video kung saan mapapanood ang ilang bonding moments ng kanyang asawang si VJ Yambao at ng anak nilang si Nala.
Kalakip nito ang birthday message niya sa kanyang husband, “Our kids are so blessed to have you as their father which makes me a very fortunate woman to be fated as your wife in this lifetime.
“God is in the process of shaping you after His own heart and I’m grateful I get to witness His goodness in your life, which overflows to us closest to you.
View this post on Instagram
“Best of birthdays my love. To more memories and adventures with the family instead of material gifts. (Ay, hindi rin pala tayo maregalo) Apir!” mensahe pa ni Camille sa pinakamamahal na asawa.
Ikinasal sina VJ at Camille noong 2017 at bukod kay Nala, meron pa silang isang anak, si Nolan.
Bukod dito, may anak din sina Camille at VJ sa kanilang previous relationships. Si Nathan ay anak ni Camille sa una niyang asawang si Anthony Linsangan na matagal nang pumanaw habang si Ice ay anak naman ni VJ sa dati niyan partner.
Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.