LOOK: Paano ipinagdiwang ng celebrity moms ang Mother's Day? | Bandera

LOOK: Paano ipinagdiwang ng celebrity moms ang Mother’s Day?

Therese Arceo |May 08,2022
facebook
share this

LOOK: Paano ipinagdiwang ng celebrity moms ang Mother’s Day?

Therese Arceo - May 08, 2022 - 11:58 PM

LOOK: Paano ipinagdiwang ng celebrity moms ang Mother's Day?

ISANG beses sa isang taon, tuwing buwan ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Mother’s Day. Ito’y isang araw kung saan binibigyan natin ng parangal ang ating mga ina para sa lahat ng mga ginawa, ginagawa, at patuloy na gagawin para masiguro na palaging nasa maayos ang lagay natin. Isang araw kung saan ipinamamalas natin kung gaano natin sila kamahal at kung gaano tayo nagpapasalamat na isang gaya nila ang naging gabay natin sa paglaki.

Mula sa pagsulat ng simpleng mensahe, at pagkakaroon ng handa na hindi man engrande, tayong mga Pilipino ay gagawa ng paraan para i-celebrate ang Mother’s Day.

At kahit ang mga sikat na artista ay tulad rin ng mga simpleng mamamayan na may mga paandar ngayong araw ng ating mga ilaw ng tahanan.

Narito ang ilan sa mga celebrity moms at kung paano ipinaramdam ng kanilang pamilya ang Mother’s Day.

 

Mga bulaklak at mga lobo ang sumalubong kay Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera mula sa kanyang asawang si Dingdong Dantes at mga anak na sina Sixto at Zia. Ito ay ibinahagi mismo ni Dingdong sa kanyang Instagram account kalakip ang kanilang family picture na may caption na “Ang reyna ng aming tahanan. Happy mother’s day, Love.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Malayo man ang panganay na si KC Concepcion ay hindi naman nawawala sa kanyang puso ang inang si Sharon Cuneta. Aniya, “Mama, happy Mother’s Day! Your voice is all I needed to jumpstart my recovery and win this battle against covid. You are the salt to my pepper, you spice up my life in ways no one else can. I loved you the moment you made me, and I will love you forever and ever 💖 Enjoy your special day today.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

May kwelang Mother’s Day greeting naman si Alex Gonzaga para sa kanyang Mommy Pinty at kapatid nitong si Toni. Gonzaga.

Sa kanyang Instagram ay binati niya ang dalawa kalakip ng mensaheng, “To Mommy Pinty, salamat for always showing me what unconditional love feels like kahit alam kong yamot ka na.

“To my ate, watching you grow into the mom you are today makes my heart full. I aspire to be a mom like you one day! Yess, kidnapin ko si Seve someday.

“But honestly talaga, I’m glad to be a witness to your second glow-ups in life, and to how more beautiful you’ve both become as a mother.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Simple lang ang naging pagbati ni Julia Barretto sa kanyang inang si Marjorie Barretto at panganay na kapatid na si Dani.

“Happy Mother’s Day to two of the strongest women I know and look up to 💞 You both inspire me to become the best version of myself everyday and for that I am thankful,” sey niya sa kanyang Instagram post.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Samantala, sa kabila ng mga chismis na kumakalat sa social media ay nananatiling matatag pa rin ang samahan nila sa Sofia Andres at Daniel Miranda. Short pero sweet pa rin ang naging mensahe nito para sa ina ng kanyang anak na si Zoe.

“Happy Mother’s Day love, I love you,” saad ni Daniel kalakip ang litrato ng kanyang mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_)

At mula sa Bandera, Happy Mother’s Day sa lahat ng mga tanglaw na nagbibigay liwanag sa bawat tahanan. Mabuhay kayo!

 

Related Chika:
#MoreBlessings: Mga baby ng celebrities na nagpa-good vibes sa 2021

Carmina ‘best blessing’ para kina Mavy at Cassy: A mother’s love is a different kind of love…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending