Jo Berry pinatunayang hindi lang 'binabatuk-batukan', 'pangperya' ang mga little people | Bandera

Jo Berry pinatunayang hindi lang ‘binabatuk-batukan’, ‘pangperya’ ang mga little people

Ervin Santiago - February 20, 2022 - 07:16 AM

Rodjun Cruz at Jo Berry

NAPAKA-STRONG na tao at punumpuno ng positive vibes ang Kapuso actress na si Jo Berry na talagang palaban sa kahit anong pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Isa na ngayon si Jo Berry sa mga Kapuso stars na masasabing may ibubuga talaga sa acting, kering-keri kasi niya ang magpakilig, magpaiyak at makipagsabayan sa mga veteran stars.

Nagbahagi ang dalaga ng ilang naging karanasan niya bilang “little person” bago pa siya makilala sa showbiz sa panayam ng “The Howie Severino Podcast.”

Ayon sa lead star ng “Little Princess”, nag-audition siya noong 2016, para sa isang episode ng “Magpakailanman” at maswerte naman na natanggap siya sa hinahanap na role.

In fairness, sa tulong ng kanyang mga co-stars at acting coaches, pati na rin sa sarili niyang life experiences, nabigyan niya ng hustisya ang karakter na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA.

Ani Jo, lahat ng itinuro sa kanya ng yumaong ama ay bitbit pa rin niya hanggang ngayon lalo na ang payo nito na lahat ng kanyang pangarap ay kaya niyang abutin kahit na may kakulangan siya sa height.

“Impluwensya po ’yun lahat ni papa kasi mula bata pa po kami, ’yun ’yung lagi niyang sinasabi, e. Kung anuman ’yung gusto naming gawin sa buhay namin, susuportahan niya kami and never kong naramdaman na may limit dati ’yung pangarap ko, e,” pahayag ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)


Matapos makapagtapos ng isang computer course nagkatrabaho agad si Jo sa isang BPO company at habang nagwo-work, taong 2018 muling nakatanggap ng offer ang dalaga mula sa GMA para magbida sa seryeng “Onanay.” 

“Sabi ko, sigurado po ba kayo? ’Yun din po ang tanong ko. Sabi ko, susugal po kayo talaga? Kasi ’yun unang-una po, hindi naman lagi ang mga little person nabibigyan ng lead role na kagaya nu’ng binigay sa akin sa Onanay. And hindi po ako artista, wala po akong acting, wala po akong proper training in acting. 

“Tapos sinabi nila, oo. So sabi ko, ay grabe. ’Yun na naramdaman ko na po na grabe na ’yung binigay agad na tiwala sa akin,” pagbabalik-tanaw ni Jo Berry.

At ngayon nga, muling pinatunayan ng aktres na worth it ang tiwala ng mga bossing ng GMA sa kanya dahil humahataw ngayon sa ratings game ang kanyang “Little Princess.”

“Isa po ’yun sa pinagpapa-thank you ko rin kasi ang laging ang mga ginagawa nila, sinusulat ng creative teams ng GMA for me is very inspiring lagi. 

“And hindi lang siya nagko-concentrate sa du’n pagiging little person nu’ng character, marami pa siyang sanga-sanga na ganito siya, palaban siya,” sey ni Jo.

Ibinibigay daw niya ang kanyang 100 percent sa lahat ng proyektong ginagawa niya, “Kasi hindi naman lagi nabibigay po ’yun sa mga little people, e. Most of the roles na nakukuha ng little people kahit noon-noon pa na wala pa ako is slapstick.

“I mean, there’s nothing wrong with being funny or making people laugh pero nagiging pangit po siya in a way na nawawala na ’yung respeto, not just for the actor, but for other little people na makikita nila sa street, makikita nila na nag-aapply ng work for a decent job.

“’Yun po ’yung pangarap ni papa ever since na mabigyan ng disenteng trabaho ’yung mga kagaya namin, ’yung mga, puwede naman sila, capable naman sila, e. Kaya lang dahil nakikita sila lagi na ganu’n, ‘ah, pamperya lang ’yan, pang babatuk-batukan lang ’yan.

“Sabi ko, I’m not just representing myself, ’yung lahat ng little people din and other people na may disability, capable sila, hindi lang ’yung panlabas na anyo, hindi lang dahil magre-revolve lang lagi ’yung role sa pagiging iba niya,” paliwanag pa niya.

Nagpapasalamat din si Jo sa lahat ng pangaral at advice ng ama, “Growing up, nakita ko nga kung paano nabuhay si papa, si Kuya Jay. So ’yung mga tanong ko po, nasagot na siya agad bago ko pa siya itanong na hindi na kailangan i-explain sa akin, hindi na ako, hindi ko nakailangan magkaroon ng stage na tatanggapin ko ’yung sarili ko as a little person, as a different person sa iba kasi nandu’n si papa, nandu’n si kuya.

“Dati naalala ko sabi niya sa amin ni kuya na ’pag may nang-insulto sa amin na wala siya, ganyan, ngumiti lang daw po kami para at the end of the day mag-iisip ’yung tao, ‘I said something bad pero bakit nag-smile pa siya sa akin?’

“Basta ang bilin niya, iba lang kapag sinaktan ka na physically. Pero ’pag words lang, kaya mo pa ’yun,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/295691/jo-berry-nagluluksa-pa-rin-sa-pagpanaw-ng-3-mahal-sa-buhay-2-bubble-gang-babes-susugod-sa-tbats

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302658/geneva-nang-alukin-ng-gma-bilang-kontrabida-sabi-ko-teka-muna-di-ko-alam-kung-matutuwa-ako-diyan
https://bandera.inquirer.net/302549/jo-berry-pag-aagawan-nina-rodjun-at-juancho-sa-little-princess-pero-kanino-siya-posibleng-ma-attract

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending