Donny bumisita sa taping ng 'Lilet Matias'; serye ni Jillian winner uli

Donny bumisita sa taping ng ‘Lilet Matias’; serye ni Jillian winner uli

Ervin Santiago - May 27, 2024 - 12:25 AM

Donny bumisita sa taping ng 'Lilet Matias'; serye ni Jillian winner uli

Maricel Laxa, Jo Berry at Donny Pangilinan

BUMISITA sa set ng hit GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law” ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan.

Sa Instagram post ng bida ng serye na si Jo Berry, ibinahagi nito ang kanyang photo at video kasama si Donny na kuha nga habang naghihintay siya na kunan ang kanyang mga eksena.

Baka Bet Mo: Jo Berry gusto ring magkontrabida: Syempre, aaralin ko yung pagiging bad

“May bisita sa set si Attorney Lilet! Thank you sa pagdalaw, Donny,” ang caption na inilagay ng Kapuso star sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)


Kitang-kita rin sa naturang video ang kilig ni Jo Berry sa kanilang pagkikita. Nag-iwan pa ng komento si Donny at sinabing, “Nice meeting you!!!”

Kasunod nito, nagpasalamat din si Jo kay Ms. Maricel Laxa na kasama niya sa serye, dahil sa pag-imbita nito sa kanyang anak para bisitahin si Atty. Lilet.

Samantala, anu-ano kaya ang mga parating na kasong ipaglalaban ni Atty. Lilet? Abangan ang mga tumitinding eksena sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Muli na namang nakatanggap ng pagkilala ang top-rating GMA medical drama series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Baka Bet Mo: Bobot Mortiz gustong idirek sina Bitoy, Bossing, Vice at Vhong

Kinilala ang serye bilang TV Series of the Year (Afternoon) sa 5th Village Pipol’s Choice Awards. Personal namang tinanggap ni Sparkle artist Jeff Moses ang award bilang Promising Male Star of the Year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Gumaganap siya sa serye bilang si Reagan, isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).

Kamakailan lang, nakatanggap din ng parangal ang programa mula sa 2024 Box Office Entertainment Awards bilang Popular TV Program Daytime Drama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kinilala rin ng award-giving body ang husay sa pag-arte nina Jillian at Richard Yap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending