Jo Berry gusto ring magkontrabida: Syempre, aaralin ko yung pagiging bad
PINANOOD talaga ni Jo Berry ang hit South Korean series na “Extraordinary Attorney Woo” bago pa ialok sa kanya ang seryeng “Lilet Matias: Attorney-At-Law.”
Ito’y ipinalabas noong 2022 at pinagbidahan ng Korean actress na si Park Eun-bin kung saan gumanap siya bilang Woo Young Woo, “a young lawyer with Asperger’s syndrome. She boasts a high IQ, an impressive memory and a wonderfully creative thought process, but she struggles with everyday interactions.”
Halos pareho ng tema ang naturang Korean drama at ang “Lilet Matias: Attorney-At-Law” dahil abogado rin ang role dito ni Jo na isang “little person” na nagsumikap upang matupad ang pangarap na maging lawyer sa kabila ng kanyang kundisyon.
Baka Bet Mo: Rayver ayaw gayahin si Gabby: Grabe yung pressure na nararamdaman ko!
Pero ibang-iba naman daw ang kuwento ng latest Kapuso afternoon series pati na ang atake sa mga eksena ng direktor nitong si Adolf Alix, Jr..
Pahayag ni Jo, “Tinanong ko po, parang isa ‘yun sa pineg nila. Kasi marami rin pinanood yung mga writers namin na shows and tinanong ko po.
“Siyempre, nakakaragdag iyon sa pressure, yung may paggagayahan. May pine-peg silang palabas. At isa nga raw po iyon,” pahayag ni Jo sa mediacon ng serye sa Manila City Hall last February 24.
“Pinanood ko po (Extraordinary Attorney Woo), bago pa po i-offer. Natuwa po ako siyempre dahil very personal din siya, dahil gusto ko rin na maging lawyer. At noong napanood ko siya, nakita ko kung paano siya mag-perform,” aniya.
View this post on Instagram
Sobrang pasasalamat din ang nais ipahatid ng aktres sa GMA dahil sa magaganda at makabuluhang proyektong ipinagkakatiwala sa kanya.
“Thankful po. Kagaya ng palagi kong sinasabi, alam ko naman kung gaano kalaki ang magagastos at effort ng lahat ng tao kapag sumugal sila sa isang artista.
Baka Bet Mo: Kim Domingo namigay ng free tickets para sa Cha Eun Woo fan meet; may promise sa cancer patient
“Kaya grateful po ako, at kaya rin araw-araw ako sa taping na ginagalingan ko. Isa rin po yon sa nagiging fuel ko is yung tiwala ng mga bosses na binigay sa akin. Mga writers, kasi, hindi rin naman po ako mapupunta rito kung hindi dahil sa kanila,” sabi pa ni Jo.
Samantala, pangarap din daw ng Kapuso actress na mag-portray ng kontrabida, “Gusto kong ma-try. Siyempre, aaralin ko yung pagiging bad. Pero kahit wala muna yung mga sampal-sampal.”
At kung mabibigyan siya ng chance na magkontrabida gusto raw niyang makaeksena si, “Sanya Lopez, kasi, gusto ko siyang maka-work. Pero puwede mo namang apihin ng ibang way. Napakabait ng itsura.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.