Rayver ayaw gayahin si Gabby: Grabe yung pressure na nararamdaman ko!
HINDI pinanood ni Rayver Cruz ang pelikulang “Nagbabagang Luha” ng Regal Films na ipinalabas noong dekada 80 at pinagbibidahan nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, Richard Gomez at Gabby Concepcion.
Si Rayver ang gaganap sa karakter ni Gabby sa TV remake nito habang si Glaiza de Castro ang magbibigay-buhay sa role ni Lorna, si Claire Castro si Alice at si Mike Tan naman ang napili para sa role noon ni Goma.
Sa nakaraang virtual mediacon ng “Nagbabagang Luha”, inamin ni Rayver na pressured siyang gampanan ang papel bilang Alex sa bagong Kapuso serye kaya hindi na niya ito pinanood para mabigyan niya itp ng sariling atake.
“Hindi ko lang talaga pinanood kasi gusto ko rin na very raw ‘yung attack na baka po kasi magaya ko mismo na mas mag-fail ako kasi nga ayaw kong mangyari na parang ginagaya ko si Kuya Gabby pero ‘di ko naman magaya,” paliwanag ng binata.
Nagpasalamat naman siya sa mga direktor nila sa programa na sina Ricky Davao at Philip Lazaro, “Malaking bagay po na nakatutok sina Direk Philip and Direk Ricky along the way kasi sila nga ‘yung nag-guide ng path.
“Pero ‘yung pressure na nararamdaman ko habang ginagawa ‘yung show, nandoon pa rin lalo na ngayon na mapapanood na ng tao.
“Excited kami pero, siyempre, hindi pa rin mawawala diyan ‘yung mga (negative) sasabihin ng viewers lalo na sa mga nakapanood na ng movie na may mga masasabi pa rin.
“Pero, at the same time, happy pa rin kami kasi alam namin, deep inside, na napakaganda ng project na ginawa namin and hindi na ako makapaghintay na mapanood po nila,” katwiran ng aktor at TV host.
Bukod sa madadramang eksena, kaabang-abang din ang mga love scenes nina Rayver at Glaiza dito pati na rin ang mga intimate at hot na hot na mga eksena nina Rayver at Claire.
Magsisimula na ang “Nagbabagang Luha” simula sa Aug. 2, 2:30 p.m., after ng “Ang Dalawang Ikaw” sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.