Erwin Tulfo umamin, naging undocumented immigrant sa US

Erwin Tulfo umamin, naging undocumented immigrant sa US

Therese Arceo - January 07, 2025 - 09:18 PM

Erwin Tulfo umamin, naging undocumented immigrant sa US

INAMIN ng House Deputy Majority Leader na si Erwin Tulfo na minsan siyang naging undocumented worker sa Estados Unidos.

Para sa mga hindi aware, mas kilala ang undocumented worker sa tawag na TNT o tago nang tago.

Ang pag-amin ni Erwin ay nangyari sa matapos lumabas ang iba’t ibang alegasyon sa social media kung saan gumamit ito ng fraudulent identity para makakuha ng American passport.

Aniya, taong 1986 nang lisanin nito ang bansa at nagpunta ng Amerika na may tourist visa ngunit nanatili ito ng 10 taon para magtrabaho.

Baka Bet Mo: Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo

Lahad niya, ginawa niya lamang ito para sa kanyang pamilya.

Saad ni Erwin, “Wala ho akong ginawang masama! Nagtungo ako sa Amerika para pakainin ang anak ko, paaralin. That’s what I did.

“That’s the only mistake that I did, nag-TNT po ako. That’s true. Lahat ng diskarte ginawa ko na. Lahat naman siguro ng ama will do the same thing.

Aniya, kung may pera lang siya para makapag-provide sa pamilya ay hindi niya ito gagawin.

“Kung may pera ho ako, I wouldn’t have gone, I wouldn’t have left… May dahilan po kaya umaalis ‘yung tao eh… I worked for 12 hours, 16 hours a day for 10 years,” sabi pa ni Erwin habang naiiyak.

Giit pa niya, kung kasalanan ang kanyang nagawa ay guilty siya rito.

“Ginawa ko lang naman ho ‘yun para mapakain ‘yung mga anak ko, para maitawid ‘yung mga anak ko sa paghihirap. Kung kasalanan ho ‘yun sa tingin ho ninyo, then guilty po ako,” sabi ni Erwin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Pero ito lang ho ang masasabi ko, wala po akong nilabag na batas dito sa ating bayan. Wala po akong nilokong tao, ni isang Pilipino. Maging sa Amerika noong nandoon ako, wala po akong in-estafa, wala po akong ini-scam na mga Pilipino, maging mga Amerikano.”

Chika pa ni Erwin, kaya raw panay ang mga tirada sa kanya dahil mataas ang kanyang ranking sa mga surveys para sa mga senatorial bets para sa darating na 2025 midterm elections.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending